news

Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
by Erwin Santiago / Report by Nora V. Calderon posted on October 28, 2011  STATS: 155384 Views | 263 Comments

 

Married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto have issued a statement to address speculations about their marriage.

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship," said the couple in a joint statement.

Photo By: Paul Mata

Pinabulaanan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang mga usap-usapan at espekulasyon na hiwalay na sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang joint statement.

Nagsimula ang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang naibalita agad sa TV ang tungkol sa pagkawala diumano ng pera sa joint account nina Raymart at Claudine nang oras ding magwi-withdraw ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Martes, October 25, ay nagtungo sa isang bangko sa may Quezon City si Claudine upang mag-withdraw sana ng malaking halaga—na ayon sa mga report ay aabot sa humigit-kumulang na P5 million.

Pero nagulat na lang daw siya na wala na ang dapat sana'y perang iwi-withdraw niya.

Kasama ni Claudine na nagtungo sa bangko ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Kaagad din nabalitaan ng media ang insidente kaya nakunan pa ng kamera ang ilang mga eksena sa bangko.

May usap-usapan na si Raymart ang nag-withdraw ng pera dahil ang aktor lang daw ang may karapatan na mag-withdraw bukod kay Claudine.

Dagdag pa rito, may espekulasyon din na may problema sa pagsasama nina Raymart at Claudine.

Hiwalay na raw ang mag-asawa.

Nadawit pa sa isyu ang pangalan ni Jennylyn Mercado dahil inuugnay ang young actress kay Raymart. Ito ay sa kabila ng balitang boyfriend na ni Jennylyn ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Nagkasama sina Raymart at Jennylyn sa katatapos lang na early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits.

Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Jennylyn ang anumang ugnayan sa young actress at kay Raymart maliban sa pagsasama nila sa trabaho.

 

Dahil sa mga haka-haka at usap-usapang ito ay nagdesisyon sina Raymart at Claudine na maglabas ng joint statement upang pabulaanan na hiwalay na sila.

Ito ang mariin nilang deklarasyon na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media entities:

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship."

 

Dagdag pa nila, "Any issues that we may have are private, and do not detract from, nor diminish, the strength of our marriage."

Nakiusap din ang mag-asawa na hayaan silang harapin ang kanilang "minor concerns" na hindi tinututukan ng media.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

263 Comments

  • 223  prettyhermione

    10/30/2011 | 04:38 PM
    OBVIOUSLY, majority ng nagcocomment dito walang alam puro espekulasyon lang. BWAHAHAHAHAHA! Ikaw na Claudine Barretto pinoproblema ng buong bayan kesa pagtaas ng ekonomiya. National issue na to. Btw, how sure are you na 5M nga? Maliit naman. Hihihi! Huwag niyo nang problemahin yan, nasa MILF na yung 5M.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  wannabhe05

    10/30/2011 | 04:08 PM
    They are OBVIOUSLY in DENIAL. Kawawa naman. Showbiz na showbiz. Wala namang masama kung hiwalay na nga. Pwede namang magka-balikan. Mas mare-resolba ang isang problema kung tinatanggap muna at hinaharap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  thelastpepbender

    10/30/2011 | 03:36 PM
    obviously nagkakalabuan na sila. they release that statement kasi balita ko may CONTRACT sila sa mga ENDORSEMENTS nila. if they are together then they should go out in public and show the philippines that they are sweet! DARE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  kapusoakotalaga

    10/30/2011 | 02:56 PM
    kwestyon.. baket nagwiwithraw si claudine ng 5m, at saan nya gagamitin ung 5m? baka ayaw ni raymart pakuha ung money kaya inunahan ni raymart.... or, baka totoo nga talaga na hiwalay na at nag uunahan hahahaha ..kakahiya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 219  fabglam

    10/30/2011 | 01:00 PM
    Hanggang sa PEP at sa lahat ng forums, super hit! parang box office hit lagi basta si Claudine! Iba ka Clau! Very wise decision na isave ang marriage nyo. Hayaan nyo mga detractors nyo mamatay sila sa kakaproblema sa inyo 2. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 218  aquarius_0724

    10/30/2011 | 12:02 PM
    need nya intria day...patapos n teleserye nya, after nun d n cya magiging visible, pag may bago nmn...need ulit nya gawa ingay para mapansin at pag-usapan...hanapin ba ang pera ng nilang mag-asawa sa bank manager kung ok cla...kung true mang hindi cla hiwalay..kawawang raymart nagpapagamit n din sa panloloko ni claudine...cno nandawit sa mga anak nila...helo sa inyong joint statement nga lng nbanggit...kaloka ka claudine...kya ako d talaga nanunuod pelikula or teleserye mo...ewan ba sinalo ka pa ng gma..tinapon ka n nga sa kabila..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 217  fecatada

    10/30/2011 | 12:01 PM
    What was on video wasn't funny....If you're smart you would know what is going on right away based on the attorney's explaination. Why don't they settle their personal problems at home or in the court why in the public or in the camera.....just asking.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 216  fecatada

    10/30/2011 | 11:59 AM
    Itigil na nga nila ang drama nila kasi hindi na nakakatuwa sinong niloloko nila ang public....Sila mismo ang gumawa nang ingay eh bat paiyak-iyak pa sa bank, may attorney pa raw my gosh grow up girl. You have two kids now.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 215  posh09

    10/30/2011 | 10:32 AM
    anu na ba nangyayare kay claudine? sobrang pathetic na nya. sya gumawa ng lahat para mapagusapan at pagisipan na hiwalay na sila magasawa. kung ayaw nya pinaguusapan na hiwalay sila itama nya yun mga pinaggagawa at pinagsasabi nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 214  sosingmasa

    10/30/2011 | 09:32 AM
    Nungaling...linis image lang tong 2 to dinamay pa ang bangko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 213  kainistalaga

    10/30/2011 | 09:31 AM
    hmmmm smells fishy ang intrigang ito. sa joint statement gawang abogado lang, pero sa video ng nawawalang 5m alam mo na agad na may something. joint account na pareho silang makaka-withdraw, ibig sabihin nakuha nong isa. bat kaya di tinnawagan ni claudine si hubby ng, Love parito ka sa bangko may problema sa pagwi-withdraw ko, para sana naayos nila at papanagutin ang bangko kung bigla na lang nawala na walang alam ang isang party. kaysa iiyak at abogado ang nagsasalita para sayo. unahan silang mapasakamay ang 5m malaking allowance nga naman yon. haay wait na tayo ng panobagong intriga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 212  inquisitive

    10/30/2011 | 06:18 AM
    Isang malaking panloloko na naman sa madlang pipol ang latest drama ng psycho na Claudine na to Tigilan nyo na kami pwede ba! Hindi estupido mga Tao para maniwala pa sa Mga gimik mo Kung ako sa yo magpagamot ka muna sa basement at ayusin mo buhay pamilya mo, naaawa Lang ako sa Mga anak at asawa mo...hay kawawang Raymart nakapag asawa ng psychotic ipagdasal na Lang natin sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  jjjjjjjjjj

    10/30/2011 | 06:01 AM
    kong ayaw mo ng separation eh di hiwalay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  sweetum

    10/30/2011 | 03:18 AM
    wow block ako ng PEP, my comments didnt show up. iba na talaga pag GMA talents very protective ang PEP, u cant say intellectual comments to their stars. I have my pinoy TV so im not 100 percent kapamilya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  sweetum

    10/30/2011 | 03:16 AM
    did the iglots rating went up bec of this controversy? I think Claudine needs professional help, too bad...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  sweetum

    10/30/2011 | 03:14 AM
    mukhang may tama na si Claudine! tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  michaelaangel74

    10/30/2011 | 02:10 AM
    Bakit iyong photo ng mag-asawa Raymart at Claudine dito na nakalagay ay todo ang ngiti ni Claudine pero si Raymart parang nakakain ng hilaw na mangga, ang asim ng ngiti ni Raymart dito sa picture na ito wala ba silang ibang pictures??? Mrs. Cluadine and Mr. Raymart bakit nga po pala ang marriage nyo lang ang kini-clear nyo sa mga tao? Papaano nyo naman po iki-clear ang reputasyon ng Bangko nadawit nyo sa issue nyo po...sana mag-issue din kayo ng statement sa public para hindi masira ang reputasyon ng Bangko sa mga Pilipino at mga Foriegners malaking damage din ito sa mga Banks natin dyan sa Pinas kung hindi mo i-clear ang reputation ng Bank. It's Okey if you want to clear the status of your marriage but it's not okey if you are not going to clear to the public about the reputation of the Bank.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  strawberry_cheesecake

    10/30/2011 | 02:04 AM
    Mukhang Claudine took some medication na and nahimasmasan na. Gagawa ng iskandalo sa Unyon Bank sa QC, nagtawag ng media tapo sasabihin leave us alone for the sake of the kids? That is full of BS. Hello fantards of Claudine na nagpapapansin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  michaelaangel74

    10/30/2011 | 01:52 AM
    Hindi naman malalaman ng buong madla ang problema mo sa bangko.., kung hindi kayo mismo ang nag-allow sa kanila na icover ka with your lawyer. Tapos ngayon you are telling people na you want to deal this problem privately of course dahil artista ka may mga tao na magcow-cowwwment ng mga negative at meron din mag-comment ng mga positive about you, sana hindi na lang kayo tumawag ng newscaster para mas masasabi nyo pa rin na gusto nyo ng privacccccyyyyy. Anyway Quesera...sera whatever will be, will be..., i still admire Claudine and Raymart for honoring their marriage above all in this issue for being brave to tell public that they want to stick to their marriage and children.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  michaelaangel74

    10/30/2011 | 01:27 AM
    Okey...most people here posted their comments about your current issue 'withdrawing money in the bank with lawyer plus calling newscaster' people know you have children na madadawit sa issue na ito but how about you...Claudine and Raymart...were you aware about your children being drag in this issue? Now you are pleading to the public to give you privacy to deal with this problem...why??? Sino ba ang tumawag ng newscaster para ibalita sa public about your problem? Ang mga tao ba ang tumawag ng newscaster para puntahan ka sa bank at icoveraged ang emotion mo sa issue mo na ito? Ask yourselves. Actually naawa ako sa iyo Mrs.Claudine non mapanood kita sa 24 oras na umiiyak ka sa loob ng bank pero ngayon siguro mas mainam pagisipan mong mabuti kung ano ang mga consequenses ng reaction mo bago ka mag-emote at tumawag ng newscaster ay ikaw muna ang magcontrol sa sarili mo para ma-control mo rin ang iyong environment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About