news

Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
by Erwin Santiago / Report by Nora V. Calderon posted on October 28, 2011  STATS: 155387 Views | 263 Comments

 

Married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto have issued a statement to address speculations about their marriage.

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship," said the couple in a joint statement.

Photo By: Paul Mata

Pinabulaanan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang mga usap-usapan at espekulasyon na hiwalay na sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang joint statement.

Nagsimula ang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang naibalita agad sa TV ang tungkol sa pagkawala diumano ng pera sa joint account nina Raymart at Claudine nang oras ding magwi-withdraw ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Martes, October 25, ay nagtungo sa isang bangko sa may Quezon City si Claudine upang mag-withdraw sana ng malaking halaga—na ayon sa mga report ay aabot sa humigit-kumulang na P5 million.

Pero nagulat na lang daw siya na wala na ang dapat sana'y perang iwi-withdraw niya.

Kasama ni Claudine na nagtungo sa bangko ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Kaagad din nabalitaan ng media ang insidente kaya nakunan pa ng kamera ang ilang mga eksena sa bangko.

May usap-usapan na si Raymart ang nag-withdraw ng pera dahil ang aktor lang daw ang may karapatan na mag-withdraw bukod kay Claudine.

Dagdag pa rito, may espekulasyon din na may problema sa pagsasama nina Raymart at Claudine.

Hiwalay na raw ang mag-asawa.

Nadawit pa sa isyu ang pangalan ni Jennylyn Mercado dahil inuugnay ang young actress kay Raymart. Ito ay sa kabila ng balitang boyfriend na ni Jennylyn ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Nagkasama sina Raymart at Jennylyn sa katatapos lang na early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits.

Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Jennylyn ang anumang ugnayan sa young actress at kay Raymart maliban sa pagsasama nila sa trabaho.

 

Dahil sa mga haka-haka at usap-usapang ito ay nagdesisyon sina Raymart at Claudine na maglabas ng joint statement upang pabulaanan na hiwalay na sila.

Ito ang mariin nilang deklarasyon na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media entities:

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship."

 

Dagdag pa nila, "Any issues that we may have are private, and do not detract from, nor diminish, the strength of our marriage."

Nakiusap din ang mag-asawa na hayaan silang harapin ang kanilang "minor concerns" na hindi tinututukan ng media.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

263 Comments

  • 203  myca_bag

    10/30/2011 | 12:29 AM
    o sya, sya..para hindi mawala yung mga endorsement nyo naniniwala kami na you are still together, KUNO. sayang tong si claudine, magaling sanang artista pero mukang maraming hang-up.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  syetedos

    10/29/2011 | 11:59 PM
    wow, magwi-withdraw ng 5 million. ano kaya ang gagawin niya sa 5 million. at bakit biglang nawala at naunahan siyang mag withdra. Ano kaya ang misteryo ng unahan sa pagwi-withdraw. Something fishy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  critical_critic

    10/29/2011 | 11:40 PM
    kung magpapa-interview sila sa showbiz central bukas, isa lang talaga ang gusto ko malaman at hopefully eh maitanong kay claudine - BAKIT TINAWAGAN SI NELSON CANLAS PARA PUMUNTA SA BANGKO. mukhang for publicity lang talaga tuloy. pointless na kasi itanong if they are still together kasi syempre sasabihin nila sila pa din. una, alang-alang sa mga bata. pangalawa, alang-alang sa endorsements lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  SimonLaplace

    10/29/2011 | 11:34 PM
    Obvious na mga pera ninyo sa bangko di umabot ng milyones..LOL. Mag co confirm talaga ang bank kapag naabot ang certain amount, pero sa cheques yun, credit card at bank transfers. Kapag bank withdrawal na face to face, am very sure ini inform ang other party kapag joint account at malaking amount ang involved. Mula noong pumutok ang Jose Velarde account mas naging tight ang security measures ng Philippine banks. Professional po ang mga tao sa banko at kapag big client ka as in big depositor, meron kang special treatment at care, katulad nyan, nagwithdraw si Misis, am sure ininform din nila si Mister kung aware ba sya. No big deal yan. Tsismosa lng tlaga mga Pinoy at masyadong na excite sa 5M.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  malaya2007

    10/29/2011 | 10:56 PM
    alam mo kung valued customer ka at malaki ang account mo pede kang mag instruct sa account manager mo to inform you of any movement of your account,or pede kang magrequest of that you should be informed if there would be any withrawal of or more than 5 million, specially kung alam mo na unstable yung ka and or mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  fujiko77

    10/29/2011 | 10:12 PM
    malaya2007, naiintindihan mo ba ang "joint account na and at or" ang naka sulat? ibig sabihin, pdeng dalawa silang nakapirma kapag mag wiwidraw OR kahit isa lang sa kanila ang may pirma pde nang mag widraw.. anu pa sinasabi mong tatawag pa ang bangko for confirmation? anu yan? FBI? CIA? LOL!! paki ba ng bangko kung isa sa kanila ang mag wiwidraw eh iyon ang napagkasunduan nung inopen nila yung account.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  pinknlavander

    10/29/2011 | 09:22 PM
    This is a BIG PUBLICITY para mapag usapan si claudine at panoorin ang show nya sa GMA. Di nga nasagot ano talaga ang nangyari sa accpount na biglang nawala and kung totoo ito why tatawag ng reporter just go to the bank. Sussss parang pelikula na napapanood ko para maiahon ang career at pag usapan ulit. Kawawang Claudine she dont know what to do anymore para maibalik ang pabagsak na career. Ginagamit pa nya ang pagiging born again christian nya which is not good. Not a difference what pagans and seducees do.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  hello2happy

    10/29/2011 | 08:41 PM
    baduy! sinayang lang nitong si claudine ang oras kong magtype.. uhaw na naman siguro sa publicity kaya gumawa ng eksena!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  fabglam

    10/29/2011 | 08:41 PM
    Bakit kaya may mga taong masaya na paghiwalayin ang mga intact ang pagsasama sa showbiz? Baguhin naman sana natin yun tapos kapag hiwalay na, gusto namang magkabalikan. Lubayan nyo sina Claudine at Raymart kasi halata namang love talaga nila ang isat isa kaya hindi rin kapani paniwala yung mga negative issues sa kanila esp. Claudine. Halatang gusto lang talaga syang sirain ng ibang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  bac_tol

    10/29/2011 | 08:39 PM
    Ayan nabasa ko sa Inquirer sabi ni Nelson Canlas si Claudine Barreto daw mismo ang tumawag sa kanya at sinabihan syang pumunta sa bangko na malapit lang pala sa GMA7. Kaya pala ready agad may kasama ng camera man. Naku Claudine ayusin mo buhay mo at kawawa mga anak nyo. Ok lang na hindi ka na sikat, ganyan talaga ang buhay. Magpahinga ka muna at asikasuhin mo na lang ang pamilya mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  ramb0

    10/29/2011 | 08:28 PM
    Nestor Canlas kumpletuhin mo naman yung report mo. Karapatan mong usisain ang subject mo kung anong nangyari sa pera dahil siya naman nagpatawag sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  Lokotoy

    10/29/2011 | 08:13 PM
    Weeee masyado nyong niloloko madlang pipol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  constantino10598

    10/29/2011 | 07:26 PM
    Claudine is having a major meltdown right in front of our eyes..sad to say but she is one unstoppable train wreck. Not even her husband can save her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  mikebalangsosa

    10/29/2011 | 07:14 PM
    Masyado lang tsismoso at tsismosa mga pinoy..kaya ganito tyo..pakialamero.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  updatedako

    10/29/2011 | 06:50 PM
    lawyer lang naman nagprepare ng statement na yan dahil puro redundancies. alam mo naman mga lawyer sa atin nakakatawa ang lenggwahe. baka may mga commercial ang dalawa na bawal sila ay hiwalay kaya nga-issue ng statement na ganito. yun bang pagwithdraw sa atin ng 5 million ay pwede sa ibang branch ng bangko o dun lang sa mother bank, unless unti-unting winithdraw ni Raymart para di maipangsugal ni Claudine kung totoo ngang nagsusugal?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  malaya2007

    10/29/2011 | 05:40 PM
    i think hindi nawala yung pera maybe nung iwiwthraw na nya tumawag ke raymart yung bangko for confirmation tapos pinigil ni raymart sinabi na lang na me nakawithraw na then mag-uusap silang mag-asawa kasi kung mawala yun malamng nagwawala na si claudine ng todo todo, yan pa e ang tapang kaya nyan ayaw din naman nyan ng naiisahan sya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  winonao1

    10/29/2011 | 05:10 PM
    KUNG TOTOO thats good news!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  totoysipa

    10/29/2011 | 05:09 PM
    182 tfcqatar Napatawa mo na naman ako. Ano ba itong si clawclown, are you for real? Isa ka pang LOL pepster diyan. Kunsabagay, tama ang observations mo. Pag may issue, biglang ime-mention ang mga anak. And yet both of them do things contrary to what loving parents should do. Claudine fans here are insisting there was something between RS and Jennylyn Mercado prior to the Luis-Jen issue. Si strawberry cheesecake and Ornusa both swear na may Atong Ang and casino angle si Claudine. If these are all true, heck, Claudine and Raymart deserve each other. They really should stay together kasi they enable each other to do shenanigans, LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  bumblebee1

    10/29/2011 | 05:07 PM
    God bless you both ang marriage ay hindi lahat happiness pero thankful that you both survived again!ganun talaga ang buhay my asawa pero kung ang pag-ibig ang mananaig malalampasin ito! Kaya mabuhay kayong dalawa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  critical_critic

    10/29/2011 | 04:48 PM
    isang malaking WEHHHHH???! o sya, sabi nyo eh. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About