news

Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
by Erwin Santiago / Report by Nora V. Calderon posted on October 28, 2011  STATS: 155335 Views | 263 Comments

 

Married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto have issued a statement to address speculations about their marriage.

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship," said the couple in a joint statement.

Photo By: Paul Mata

Pinabulaanan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang mga usap-usapan at espekulasyon na hiwalay na sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang joint statement.

Nagsimula ang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang naibalita agad sa TV ang tungkol sa pagkawala diumano ng pera sa joint account nina Raymart at Claudine nang oras ding magwi-withdraw ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Martes, October 25, ay nagtungo sa isang bangko sa may Quezon City si Claudine upang mag-withdraw sana ng malaking halaga—na ayon sa mga report ay aabot sa humigit-kumulang na P5 million.

Pero nagulat na lang daw siya na wala na ang dapat sana'y perang iwi-withdraw niya.

Kasama ni Claudine na nagtungo sa bangko ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Kaagad din nabalitaan ng media ang insidente kaya nakunan pa ng kamera ang ilang mga eksena sa bangko.

May usap-usapan na si Raymart ang nag-withdraw ng pera dahil ang aktor lang daw ang may karapatan na mag-withdraw bukod kay Claudine.

Dagdag pa rito, may espekulasyon din na may problema sa pagsasama nina Raymart at Claudine.

Hiwalay na raw ang mag-asawa.

Nadawit pa sa isyu ang pangalan ni Jennylyn Mercado dahil inuugnay ang young actress kay Raymart. Ito ay sa kabila ng balitang boyfriend na ni Jennylyn ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Nagkasama sina Raymart at Jennylyn sa katatapos lang na early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits.

Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Jennylyn ang anumang ugnayan sa young actress at kay Raymart maliban sa pagsasama nila sa trabaho.

 

Dahil sa mga haka-haka at usap-usapang ito ay nagdesisyon sina Raymart at Claudine na maglabas ng joint statement upang pabulaanan na hiwalay na sila.

Ito ang mariin nilang deklarasyon na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media entities:

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship."

 

Dagdag pa nila, "Any issues that we may have are private, and do not detract from, nor diminish, the strength of our marriage."

Nakiusap din ang mag-asawa na hayaan silang harapin ang kanilang "minor concerns" na hindi tinututukan ng media.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

263 Comments

  • 163  napazu7

    10/29/2011 | 12:59 PM
    posibleng nag-away sila ng time na un pero bka naayos na nila this time. I hope so, naapektuhan tuloy ung Iglot kung kelan naman gumaganda na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 162  fujiko77

    10/29/2011 | 12:59 PM
    sana maayos nila ito in private.. tipong private talaga, di yung magpapa daplis ng may aberya sabay damage control, kasi sila rin ang naglalagay sa pamilya nila sa iskandalo. kung magkabalikan man sila o hindi, sana ayusin nila ng sila sila na lang kung totoong mahal nila ang mga bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  freemind24

    10/29/2011 | 12:58 PM
    Commendable? After that public outburst? Magisip nga muna yung mga nagcocomment bago mag comment. This is just to cover up yung kahihiyan na nangyari. Nagkapisikalan kse si claudine violent. The same happened with Rico tapos pinalabas yung lalake ang violent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  fujiko77

    10/29/2011 | 12:56 PM
    strawberry, pedeng your story is right. only emotional people can do such things... tipong di na nila iniisip yung mga gagawin muna nila bago sila mag salita or kumilos. pati abugado nya, di muna nag isip bago nag kwento... sabagay, sila nga ang nag tawag ng media. isa pa, na answer din ang weschon ko why kailangan mag ask ng lawyer sa manager ni CB bago mag salita, kasi nga pala may mga endorsements sila na maaapektuhan, when in fact ang alam ko, lawyer ang mag bibigay ng go signal sayo whether you'll gonna say something or not.. hehehe... dito manager ang icoconsult ng abugado..LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 12:47 PM
    According to witnesses, Claudine daw was full of bruises when she went with the lawyer and media to the U-bank in Quezon City to get the money but then Raymart was also in another branch with the purpose. Unahan lang yan. Nag-away daw ung mag-asawa, nagkapisikalan...very emotional pa kaya siguro hindi nag-isip ng maayos si Claudine at nag-asama ng media. She really made a scene sa bank, pati ung ibang clients hinarass nya. Tame pa ung pinakita sa TV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  parisperezhilton

    10/29/2011 | 12:42 PM
    Sana maayos na nila ang problemang ito. I admire their decision.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  familytree

    10/29/2011 | 12:37 PM
    akala siguro ng dalawang ito malalako nila ng madlang people? mga siningaling kayo!! takot kasi silang mawalan ng endorsement!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  pmarc

    10/29/2011 | 12:36 PM
    Very Commendable ang ginawa ni Raymart at Claudine to resolve their issues privately in order to protect their children and love ones. LAHAT naman na mga mag-asawa ay dadaan talaga sa pagsubok and there's no such as a perfect marriage life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  Clara Pastor

    10/29/2011 | 12:34 PM
    kung nagsasama sila ni raymart until now dapat alam ni reymart magwithdraw sya ng pera di ba?at kung kinuha man lahat ni raymart yung pera dapat sinabi nya kay claudine at hindi na lng nagpunta sa bangko para mapahiya lang.and after all these scandals sasabihin nilang they are living together at love nila isat-isa!wheee lokohin ba madlang people..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  prettyhermione

    10/29/2011 | 12:31 PM
    Eh ano ngayon kung masaya sa buhay sina gelli at ariel? Anong konek? Panahon pa ni kopong kopong yan! Ikakataas ba yan ng kabuhayan mo kung masaya sila? Jusmio, huwag pairalin ang kabitteran at galit. Halatang halata naman na kahapon pa umuusok ilong mo sa galit kay Claudine. You are obviously a HATER MONSTER!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  prettyhermione

    10/29/2011 | 12:28 PM
    Orko, ang laki ng problema mo sa buhay ikaw ang CERTIFIED PSYCHO. The way u act and posts here,says it all! Ang galing mo namang magpaikot ng kapwa mo, Tunay na Kristiyano? Eh yang mga pinagsasabi mo laban kay Claudine at sa kapwa mo, makatao ka? Tunay kang Kristiyano? My gosh, kahapon pa yang issue mo about religion pati Diyos dinadamay mo na. May tililing ka nga! Ipakita mo sa akin yang tweet na yan about papatay? My gosh, isa kang imbentor! At inuutusan mo pa akong magtweet ng ganyan?Halika, ipasok na kita sa mental!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  shashimingming

    10/29/2011 | 12:28 PM
    They were denying their separation so that they will not lose any endorsement deals and future projects. I believe their marriage is on the rocks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 151  fujiko77

    10/29/2011 | 12:28 PM
    cont... ultimong isang stroke ng pirma na di katulad sa copy nila, eh ipapa ulit nila yun hanggang ma bulls eye yung MISMONG pirma ng client. kahit kilala ka na sa bangko na yun at obvious na ikaw yun dahil may I.D. kang dala kailangan yung pirma eh eksaktong eksato... ganon po ka stict ang pag wiwidraw using passbook at malakihang pera ang winiwidraw. now tell me, ang bangko ang nagwidraw at nag nakaw ng pera ni Claudine at Raymart? at mismong branch pa nila ninakaw at sa harap pa mismo ng client nila?? hanu ba ito?? LLLOOOLLL!!!!! bakit sa article na ito eh walang binanggit si Raymart about the money?? bakit we're still together lang? dapat ang padre de familya umaalma na it took him 3 days to react? at bakit di sya makapengal sa ginawa ng bangko? LOL!!! hahayaan nalang nyang nakawan sila ng bangko?? hahahahah!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  moviefandin

    10/29/2011 | 12:25 PM
    so sinayang ni claudine yung pagpunta nung reporter sa bank. ano yun nag ingay lang para pag usapan. grabe naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 149  fujiko77

    10/29/2011 | 12:21 PM
    janamao, dami mong eklat.. then why Claudine is still "pinag iisipan pa kung kakasuhan ang bangko" stage? abah!!!!! 5M ang nawala sayo pinag iisipan pa ba yon???? go and file a case, ang tanong.. anung kaso? na pinayagan nilang iwidraw ni Raymart ang pera? na ka joint account ni Clau si Raymart sa account na yun. no bank will give such huge amount of money be widrawn by anyone else or let that kind amount of money vanish into thin air. hello??? bigyan lang kita ng info ha, kasi baka ala kang bank account using passbook, meron kang 3 samples ng signatures na ilalagay sa form as bank's copy. ngayon kung joint account, ganun din po yun.. in short merong copy ang bangko ng pirma ng clients nila.. di lang isa... kundi 3. kapag mag wiwidraw ka using passbook, they'll gonna compare yung pirma ng nag wiwidraw dun sa copy nila.. that is kung ang account holder mismo ang nag wiwidraw. and paulit ulit nilang chinecheck yun at kino compare, after non, tatawagin pa ang bank manager to check sa signature at I.D. din la
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 148  sipsip

    10/29/2011 | 12:18 PM
    itong 2 puro eksena para mapag usapan. shut d pak up
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  icoi

    10/29/2011 | 12:00 PM
    Kung hiwalay sila o hindi, wag na silang magkalat in public dahil kakahiya sa mga anak nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  prettyhermione

    10/29/2011 | 11:31 AM
    Asus si Fashion Pulis na puro recycled ang blind items niya? Walang credibility yan! Napupulot lang niya somewhere mga BI niya at tinatahi tahi na lang niya then voila! May kapani paniwalang BI na daw siya. Ano kami uto uto? Bwahahahahahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  ike

    10/29/2011 | 11:18 AM
    Hopefully maayos nila ang problema nila kais mga bata ang pinaka maaapektuhan. If a couple really love the children, they can set aside whatever differences they have for the sake of the kids. did this before and thanks God I listened to the kids, not to myself. once malampasan nila ito malalampasan nila ang naumang darating pa sa kanilang buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  prettyhermione

    10/29/2011 | 11:17 AM
    Ganyan talaga ang buhay. Kasi si Claudine pa rin ang inuwian after what happened hihihihihihihi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About