news

Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
by Erwin Santiago / Report by Nora V. Calderon posted on October 28, 2011  STATS: 155447 Views | 263 Comments

 

Married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto have issued a statement to address speculations about their marriage.

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship," said the couple in a joint statement.

Photo By: Paul Mata

Pinabulaanan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang mga usap-usapan at espekulasyon na hiwalay na sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang joint statement.

Nagsimula ang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang naibalita agad sa TV ang tungkol sa pagkawala diumano ng pera sa joint account nina Raymart at Claudine nang oras ding magwi-withdraw ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Martes, October 25, ay nagtungo sa isang bangko sa may Quezon City si Claudine upang mag-withdraw sana ng malaking halaga—na ayon sa mga report ay aabot sa humigit-kumulang na P5 million.

Pero nagulat na lang daw siya na wala na ang dapat sana'y perang iwi-withdraw niya.

Kasama ni Claudine na nagtungo sa bangko ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Kaagad din nabalitaan ng media ang insidente kaya nakunan pa ng kamera ang ilang mga eksena sa bangko.

May usap-usapan na si Raymart ang nag-withdraw ng pera dahil ang aktor lang daw ang may karapatan na mag-withdraw bukod kay Claudine.

Dagdag pa rito, may espekulasyon din na may problema sa pagsasama nina Raymart at Claudine.

Hiwalay na raw ang mag-asawa.

Nadawit pa sa isyu ang pangalan ni Jennylyn Mercado dahil inuugnay ang young actress kay Raymart. Ito ay sa kabila ng balitang boyfriend na ni Jennylyn ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Nagkasama sina Raymart at Jennylyn sa katatapos lang na early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits.

Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Jennylyn ang anumang ugnayan sa young actress at kay Raymart maliban sa pagsasama nila sa trabaho.

 

Dahil sa mga haka-haka at usap-usapang ito ay nagdesisyon sina Raymart at Claudine na maglabas ng joint statement upang pabulaanan na hiwalay na sila.

Ito ang mariin nilang deklarasyon na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media entities:

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship."

 

Dagdag pa nila, "Any issues that we may have are private, and do not detract from, nor diminish, the strength of our marriage."

Nakiusap din ang mag-asawa na hayaan silang harapin ang kanilang "minor concerns" na hindi tinututukan ng media.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

263 Comments

  • 123  monayme

    10/29/2011 | 09:48 AM
    Alam niyo ang importante dyan naayos yung problema at hindi sila naghiwalay...be happy for them, ay ayawa pala ng haters ng ganyan hahahahaa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 122  monayme

    10/29/2011 | 09:46 AM
    ORKO ano ngayon ang masasabi mo bwahahahahaha!!! amin pa rin ang huling halakhak bwahahahahha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 121  prettyhermione

    10/29/2011 | 09:44 AM
    Tama nga yung kasabihan, Damn if you do, damn if you don't! Mga haters nga naman, talagang kahit anong explain mo may masasabi pa ring masama, ganyan kakitid ang utak ng mga haters! Obviously, ang mga HATERS yung may toyo sa utak! Wahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 120  winged_angel

    10/29/2011 | 09:42 AM
    Mga sinungaling! Umalis na si Raymart sa bahay niyo. Lahat nga ng kotse niya inalis na niya sa garage. Ayaw pang umamin eh obvious na. Kalokang tong dalawang to.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 119  monayme

    10/29/2011 | 09:40 AM
    Hayan HINDI sila hiwalay...mas mabuti na pag usapan na lang privately mga nangyari para d masira ng tuluyan ang mag-asawa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 118  janama01

    10/29/2011 | 09:40 AM
    hinde nag dala ng reporter si claudine,,maaring may tumawag ng media at sinabing andun si claue,,,alam naman ang media sa pilipinas kulang na lang pati pag utot ng artista andun sila eh CLAUDINE BARRETTO yan,,alangan naman maglalabas ka ng malaking pera kailangan ba magdala ng reporter para ireport haller!!! hay naku ang daming mang mang sa pilipinas ang babaw mag isip tapos kung maka koment parang ang lilinis walang bahid ng pagkukunwari,,,hinde na talaga nabago ang tao sa pilipnas
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 117  prettyhermione

    10/29/2011 | 09:38 AM
    Nasa MILF na yung 5M Huwag niyo nang problemahin Bwahahahahahahaha! Mga LOST souls, hinay hinay sa pagcomment, halata talagang wala kayong alam bwahahahahahaha! Puro kayo speculations, may nalalaman pa kayong contract sa endorsements! Esep esep!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 116  janama01

    10/29/2011 | 09:31 AM
    hoy yung iba rito mag move on na,,patay na yung tao matagal na patahimikin nyo na,,nandun ka ba sa buhay nila at alam mong sila pa ng patulan ni claudine si raymart,,baket hinde ka pumunta sa puntod ni rico at tanongin mo sya kung baket naghiwalay sila syunga ha!ha!ha!ha! karma karma ka pa dyan baka sayo bumalik yan sinasabi mo sana nga ha!ha!ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 115  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 09:29 AM
    Fujiko, pwede ngang depression tapos merun pang ibang underlying conditions. I guess major issue nga ung career nya. Super big star tapos bigla ganyan. With her previous network before sya na frozen delight, she was prized, protected and all. Now, look at her, all a mess. Oo, hindi nga sa network ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan but the decision to switch networks made her already "delicate" condition worse dahil as outcome ng decision nya. Tapos itong nangyari pang ito. Any person would go crazy sa nangyari sa kanya but thinking rationally, owner sya ng account, she can always ask kung sino ang nag withdraw at lahat ng specifics. But that is not the case. Tapos taga mother studio pa nya ang nagcover sa kanya, sana hindi na lang pinakita sa news.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 114  janama01

    10/29/2011 | 09:27 AM
    maari di na yung pera ay nawithdraw ni raymart pero hinde muna pinaalam kay claudine dahil baka hinde pumayag si claud,,kaya dapat ang nagpapaliwanag rito ay ang bangko at si raymart,,,dahil hinde naman magrereact si claue kung alam nya,,,ngayon si claudine pa ang sasabihin nyong may problema eh baket hinde magsalita si raymart at ang bangko para maliwanagan lahat,,kung tutuosin si claudine ang biktima rito dahil maglalabas lang sya ng pera nya na hinde nyo naman pera natural lang na magreact sya sa ganung sitwasyon,,tapos bigla si raymart pa ang mabait common people laliman nyo naman yung pag iisp nyo hinde yung makapag post lang kayo na parang may kasalanan sa inyo si claudine kung magsalita kayo tsk tsk!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 113  khantootan

    10/29/2011 | 09:26 AM
    karma sau yan claudin..kasi kau pa ni rico yan non..pumatol kana kay raymart....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 112  hooney

    10/29/2011 | 09:25 AM
    sana maayos pa kase they were so inlove nung nagsisimula palang ang relasyon nila, ngayong mag asawa na dapat mas lalong tumibay, sana pagsubok lang ito
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 111  akosimadam

    10/29/2011 | 09:24 AM
    then why did claudine bring reporters when she went to the bank? lawyer ok pa, understandable. pero reporter... hello???? claudine may tama ka talaga
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 110  prd2bkww

    10/29/2011 | 09:23 AM
    Sometimes celebrity are not allowed to say that they are separated because of legal contract or business deals. I don't know if this is just gimik kasi meron siyang show. It seems like every time na meron siyang show saka siya gumagawa ng eksena. I really feel bad for Raymart. He used to be very private now there's always a scandal because Claudine's hungry for publicity.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 109  jams_mom

    10/29/2011 | 09:17 AM
    i wouldnt put much weight on this statement as proof that raymart and claudine are still together... for all we know, publicists lang nila ang gumawa nito to save their clients from further rumors... hindi naman inaccessible ang mag-asawa para hindi humarap ng personal sa tv crew or kahit phone patch pa lang... mas maganda pa rin kung sila mismo ang humarap so we can see and read their body language...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 108  twozerofive

    10/29/2011 | 09:15 AM
    Tan ga! Hindi yung pagiging kapuso nya ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan... Palawakin mo utak mo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 107  janama01

    10/29/2011 | 09:15 AM
    nagtataka lang ako sa mga tao sa pilipinas,,ang lilinis pero ang dudumi ng paligid nila baket kaya? puno ng basura ang paligid pero kung magsasalita parang walang bahid dungis,,,lol!!!! hinde pwedeng sisihin si claudine kung magreact sya sa bangko,,ang abnormal yung hinde ka magagalit at parang ok lang kung sabihin sayo na wala na yung pera mo na pinaghirapan,,,mga syunga syunga talaga ang karamihan mga tao sa pilinas puro feeling na lahat alam,,,ang pa marami dyan sa pilipinas ay other woman,,at mabait kuno pero nasisiraan pala ng bait tinatago nga lang ha!ha!ha!ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 106  johnjoshuajeremydin26

    10/29/2011 | 09:11 AM
    Andami naman speculations....pwede naman kasingmay binabayaran sila or check na ipinambayad tapos duon kinukuha sa account na yun ag pamabayd...nagkataon lang na dapat may tawag or etx or information nakukuhain na yung laman ng pera....Kasi bank should respect the owners of the money.Hindi lang si raymart ang pwede magwithdraw..For example may billing or utang or purchase, pwede din naman dun kuhain basta may signature sila..Baka lang ayaw muna ni Claudine magbayad ....or to that effect.Napakadaming speculations, wga na pakialaman kasi.Hindi lang naman tungkol kay rayamart yun eh...the banks credibilty and protetction for the accountholders..PWEDE NILA IREKLAMO ANG BANGKO
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 105  malaya2007

    10/29/2011 | 09:01 AM
    ang bait ni raymart.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 104  fujiko77

    10/29/2011 | 08:56 AM
    not sure anu ang problems with Claudine, but siguro in general, tipong depression ang possible, lalo na sa malaking artista noong kapanahunan nya at linagay lanng sya sa freezer ng abs. di ba malaki ang tampo nya sa abs? sabi pa nga nya, pakiramdam nya nagiging vhhoo vho na sya dahil wala na syang minememorize na script, kasi nga ala na sya noon na projects...kaya nagbabasa na lang sya on her own at umaarte para di mawala sa kanya yung arte. and yes, I pity her, lalo na nung nakita ko yung video sa 24 oras.. and I understand her nung nag huhurumentado sya nung time na yun...pero ngayong lumabas ang article na ito... teka..teka... hehehe.. pinag lalaruan ba nila ang mga tao? LOL!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About