news

Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
by Erwin Santiago / Report by Nora V. Calderon posted on October 28, 2011  STATS: 155445 Views | 263 Comments

 

Married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto have issued a statement to address speculations about their marriage.

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship," said the couple in a joint statement.

Photo By: Paul Mata

Pinabulaanan nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang mga usap-usapan at espekulasyon na hiwalay na sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang joint statement.

Nagsimula ang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang naibalita agad sa TV ang tungkol sa pagkawala diumano ng pera sa joint account nina Raymart at Claudine nang oras ding magwi-withdraw ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Noong Martes, October 25, ay nagtungo sa isang bangko sa may Quezon City si Claudine upang mag-withdraw sana ng malaking halaga—na ayon sa mga report ay aabot sa humigit-kumulang na P5 million.

Pero nagulat na lang daw siya na wala na ang dapat sana'y perang iwi-withdraw niya.

Kasama ni Claudine na nagtungo sa bangko ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Kaagad din nabalitaan ng media ang insidente kaya nakunan pa ng kamera ang ilang mga eksena sa bangko.

May usap-usapan na si Raymart ang nag-withdraw ng pera dahil ang aktor lang daw ang may karapatan na mag-withdraw bukod kay Claudine.

Dagdag pa rito, may espekulasyon din na may problema sa pagsasama nina Raymart at Claudine.

Hiwalay na raw ang mag-asawa.

Nadawit pa sa isyu ang pangalan ni Jennylyn Mercado dahil inuugnay ang young actress kay Raymart. Ito ay sa kabila ng balitang boyfriend na ni Jennylyn ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Nagkasama sina Raymart at Jennylyn sa katatapos lang na early primetime series ng GMA-7 na Futbolilits.

Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Jennylyn ang anumang ugnayan sa young actress at kay Raymart maliban sa pagsasama nila sa trabaho.

 

Dahil sa mga haka-haka at usap-usapang ito ay nagdesisyon sina Raymart at Claudine na maglabas ng joint statement upang pabulaanan na hiwalay na sila.

Ito ang mariin nilang deklarasyon na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media entities:

"WE ARE STILL TOGETHER, we have not separated, we love each other, and we both value and cherish our marriage and relationship."

 

Dagdag pa nila, "Any issues that we may have are private, and do not detract from, nor diminish, the strength of our marriage."

Nakiusap din ang mag-asawa na hayaan silang harapin ang kanilang "minor concerns" na hindi tinututukan ng media.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

263 Comments

  • 103  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 08:52 AM
    Hi Fujiko. Hi Intel. Intel, baka ikaw din kailangan mo ng medical and psychiatric help, kulang ka sa pansin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 102  fujiko77

    10/29/2011 | 08:51 AM
    STRAWBEERY, for example ng nasisiraan ang ulo eh si intel.. tignan mo, naglalabasan na daw ang sungay natin.. sign of hallucination yan. masyado nang matindi imaginations na nag lalaro sa utak nya kaya di ako magtatakang isa ito sa patients ng psychiatrist ni Claudine.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 101  182395

    10/29/2011 | 08:44 AM
    haynaku, ang tagal na nitong dalawa sa showbiz eh bakit hanggang ngayon pumapatol pa rin sa mga walang kwentang issues. Who cares kung kayo o di na kayo dahil di naman yan sana ang after ng mga tao sa inyo but your good talents. Anyway, kayo ang nag pu push sa mga tao na ayawin kayo kasi super dramtic kayo sa mga walang kwentang bagay. Tsk tsk tsk
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 100  pepato

    10/29/2011 | 08:43 AM
    WEEEEH!!!! LOL!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 99  bac_tol

    10/29/2011 | 08:38 AM
    kung kayo pa eh di kayo na! pakialam ba naman sa buhay nyong mag-asawa. haha! wag lang po masyado pinapaikot ang taong bayan. gagawa ng eksena sa bangko ng may reporter tapos sasabihin "talk to my lawyer" tapos ang lawyer sabi naman "talk to the manager" asan na ang manager? yan lang ang press statement nyong dalawa? wala kaming pakialam sa pagsasama nyo. baka pwede paki explain na lang pano nangyari ang paglaho ng pera sa bangko kse baka mangyari din sa akin yan pag nag withdraw ako ng milyones ko! bwa ha ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 98  intel23

    10/29/2011 | 08:35 AM
    haha naglalabasan na naman ang may mga sungay haha si strawberry and fujiku
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 97  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 08:33 AM
    Ano daw ang clinical diagnosis nya? Major Depression? Bipolar? Addiction?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 96  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 08:30 AM
    I hope she gets help again. She has so much talent to go to waste and her family kawawa din. Any person who is exposed to unstable patients can see from the video that her mood is very volatile and it is a fact na she had mental problems in the past, baka on relapse sya. She needs a steady support base. Maybe she shpuld gp back to her previous network na lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 95  fujiko77

    10/29/2011 | 08:27 AM
    STRAWBERRY... she's already seeing a psychiatrist for ten years now.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 94  ingrid143

    10/29/2011 | 08:26 AM
    pag ang tao depress don't provoke them even more and make them more sad. that is cruel and mean. obviously may pinagdadaanan si claudine na mabigat or else all these controversies wouldn't be happening.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 93  intel23

    10/29/2011 | 08:25 AM
    haters paulit ulit? unli? wahahaha nagwawala na ang mga haters hoy magbakasyon naman kau wahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 92  intel23

    10/29/2011 | 08:25 AM
    hahahaha nakakatwa talaga ang mga haters wala naba kau ibang maibato kay claudine? nasabi niyo na lahat paulit ulit na nga lang eh wahaha kakatawa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 91  intel23

    10/29/2011 | 08:23 AM
    kung ano ano nalang ang lumalabas sa mga bibig ng mga haters ingat kayo baka bumula bibig niyo sa kanegahan wahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 90  iheartpudgy

    10/29/2011 | 08:23 AM
    LAOS
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 89  intel23

    10/29/2011 | 08:22 AM
    grabe ang mga haters masyadong desperado para lang sirain si claudine iyd haters di niyo pwed sirain ang isang claudine barretto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 88  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 08:18 AM
    She needs psychiatric and medical health.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 87  jules67

    10/29/2011 | 08:17 AM
    ah siguro eksena sa iglot iyong nangyari sa banko
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 86  fabglam

    10/29/2011 | 08:10 AM
    Haters and detractors will surely hate this article! Pahiya kayo ngayon, kasi intact pa rin at hindi nyo mapaghihiwalay sina Claudine at Raymart kahit ano pang problema dumating sa kanila. Akala kasi nyo maidodown nyo na naman si Claudine! God bless Claudine and Raymart! Buti hindi kayo nagpatalo sa problema at mga intriga at mga taong gusto kayong ibagsak!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 85  strawberry_cheesecake

    10/29/2011 | 08:08 AM
    When I was still working in a mecidal center before, madalas ko nakikita yang mag asawa na ito. Mag kasintahan pa lang sila and they seem to be sooo in love. Kapag ung family ni guy nacoconfine kahit sino, laging kasama si girl ni guy magvisit. Sayang. I think she needs help but it seems like she does not want to be helped at all.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 84  0210bonie

    10/29/2011 | 08:07 AM
    i think claudine is sick! she needs professional help... bipolar siguro ito
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About