Puno ang Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City kagabi (Saturday, October 29).  Show kasi ni Ai-Ai delas Alas na The Biggest Laffter, isang fund-raising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Special guest sana niya si Derek Ramsay.  Pero last minute ay nagpasabi ang aktor na hindi makakasipot dahil may sakit daw.

 

 

Photo: Noel Orsal

Puno ang Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City kagabi (Saturday, October 29).  Show kasi ni Ai-Ai delas Alas na The Biggest Laffter, isang fund-raising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Special guest sana niya si Derek Ramsay.  Pero last minute ay nagpasabi ang aktor na hindi makakasipot dahil may sakit daw.

Balitang may mga nag-refund ng kanilang biniling ticket nang malamang wala si Derek.  Pero ang nakakatuwa, may mga walk-in customers na nagbilihan ng ticket dahil gusto nilang mapanood mag-perform  si Ai-Ai at ang pumalit kay Derek na si Erik Santos,  na kasama rin ang Sakto Boys na sina Rodun Cruz at Lucky Mercado.

"Naintindihan ko kasi 'yong part na ang hirap no'ng gano'n," ani Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) matapos ang nasabing show.

"Kasi what if... kunyari lang, ha... kunyari siya 'yong bida, ako lang 'yong guest... paano mo i-i-explain?

"Mahirap kasing mag-explain sa tao, e.  Mahirap talaga.

"Lalo na kapag nando'n sila, bumili sila ng ticket kasi gusto ka nilang makita, di  ba?

"Natensiyon ako."

Paano siya naka-cope sa gano'ng nakakatensiyon na pakiramdam?

"Ay, kaya ko 'yon.  Pero sinasabi ko talaga na... inapologize ko si Derek sa mga tao.  Para... para for him din."

Nangyari na ba 'yon sa kaniya na may commitment siyang hindi sinipot dahil masama ang kanyang pakiramdam o nagkasakit siya?

"Kapag hindi ko talaga kaya, sinasabi ko agad-agad, palitan na ako."

Todo energy si Ai-Ai sa pagpe-perform at pagpapatawa.  Pero after the show, saka lang lumabas sa bibig niya na bago siya dumating sa Zirkoh, may sakit pala ang kanyang ina at isinugod niya ito sa ospital.  Naitago niya na meron siyang iniinda kaugnay ng kalagayan ng kanyang ina.

"Nakaka-stress actually pero... gano'n talaga, e.  Di  ba?

"Alangan namang... hindi ka naman puwedeng mag-perform at umiiyak ka diyan na... nagbayad ba sila para sabihin mong may sakit ang nanay mo?  Siyempre hindi naman, di  ba?