Puno ang Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City kagabi (Saturday, October 29).  Show kasi ni Ai-Ai delas Alas na The Biggest Laffter, isang fund-raising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Special guest sana niya si Derek Ramsay.  Pero last minute ay nagpasabi ang aktor na hindi makakasipot dahil may sakit daw.

 

 

Photo: Noel Orsal

Sa ilang beses na niyang pagkapanalo ng acting award, na-i-excite pa ba siya na muling tumanggap ng best actress trophy sakaling suwertehin na naman siyang magwagi?

"Siyempre naman.  Kasi iyan 'yong pampalakas ko.

"At saka looking forward ako na magkaroon ng award kasi mas lalo ko pang ginagalingan.

"Sa isang artista kasi, ang sarap-sarap na nagkakaroon ka ng award.  Kasi inspirasyon mo iyon.

"Na... napapansin ng mga taong magaling ka.  Na... pinaghihirapan mo 'yong ginagawa mo.  Masarap 'yon."

Bibihira ang kagaya niyang identified bilang mahusay na komedyante and yet, kapag nag-drama siya, kinikilala rin at siniseryo siya ng mga kritiko bilang isang mahusay na aktres.

"Masaya ako.  Kasi kahit komedyante ako, nakikita nila na... 'Ah, itong baklang ito marunong naman palang umarte!' May gano'n.

"Nakakatuwa talaga na na-a-appreciate nila.  Na... marunong naman akong umarte."

Sa bawat proyekto na kayang gawin o kada roles na i-portray niya, hindi naman daw siya nag-i-expect ng award.  Ang nasa isip lang daw niya lagi ay pagbutihin ang anumang ginagawa niya.

"Nagkakataon lang na... marami akong awards!" nangiting biro pa ni Ai-Ai,  patungkol niya sa Box Office Queen at ilang acting awards na kanyang napanalunan at maging sa titulong ikinabit sa kanya na Comedy Concert Queen.

"Kaya nga sobrang thankful ako.  Lahat po ito ay blessings ni God."

BIRTHDAY PLANS. Birthday niya ngayong November 11,  anong plano ?

"Wala.  Dinner lang sa bahay."

Meron ba siyang birthday wish?

"Yon nga, maging successful sa box-office itong movie namin ni Vic.  At sana rin, 'yon nanay ko mag-recover agad."