Simula nang umamin si John Lloyd Cruz noong 2010 na si Shaina Magdayao ang kanyang girlfriend, hindi na halos tinantanan ng iba't ibang intriga ang dalawa.
Pero tila sa pinakabagong intriga sa kanila ngayon—ang diumano'y tuluyan nang pagwawakas ng kanilang relasyon—ay magkasabay pa rin itong hinarap ng dalawa sa panayam sa kanila ni Boy Abunda na ipinalabas sa The Buzz kahapon, October 30.
Sinasabing nagsimula ang pinagdadaanan ng relasyon ngayon nina John Lloyd at Shaina sa dalawang magkasunod na events.
Una ay sa birthday party ni Bea Alonzo sa The Establishment, The Fort, Taguig City, noong October 8. Nakita roon nina John Lloyd at Shaina ang ex-girlfriends ng aktor na sina Liz Uy at Ruffa Gutierrez.
Pangalawa ay sa birthday concert ng kapatid ni Shaina na si Vina Morales sa Republiq Bar, Resorts World Manila, Pasay City, noong October 18. Guest performer si Shaina, samantalang nasa audience sina John Lloyd at Ruffa.
LIZ UY. Unang pinabigyang-linaw ni Boy kina John Lloyd at Shaina ang tungkol sa celebrity stylist na si Liz Uy.
Ano ba ang nangyari sa pagitan nilang tatlo noong birthday ni Bea?
Kuwento ni John Lloyd, "That night, nandoon... nagpunta si Liz. Nagpunta si Ruffa.
"Si Liz, nakasama namin sa isang table, kasama sila Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head] and even Sir Gabby Lopez [ABS-CBN chairman] nasa isang table, sina Vice [Ganda]...marami kami.
"Nag-usap kami ni Liz, nag-usap sila [ni Shaina]. Yun ang nangyari."
Pagpapatuloy ng aktor, "Si Ruffa dumating kasama ang mga kaibigan niya at mga kapatid niya.
"Pero, hindi nagkaroon ng chance na magkausap kami, mag-beso, hi and hello, wala.
"Wala namang ganoong nangyari."
Tanong naman ni Boy kay Shaina, ano ang napag-usapan nila ni Liz?
"Siyempre, nag-hi and hello kami. Wala naman kaming problema, Tito Boy," paglilinaw ng 21-year-old actress.




0

