Boy Abunda then turned to John Lloyd Cruz, na nakikinig lamang sa mga naging pahayag ni Shaina Magdayao.
After listening to Shaina, ano ang gusto nitong sabihin?
"Ako, nirerespeto ko ang pagpunta namin dito. I respect the story.
"And to tell you honestly, Tito Boy, ngayon ko lang narinig 'yan kasi ang tagal naming hindi nag-usap.
"So, nirerespeto ko yun," saad niya.
Totoo bang nag-apologize siya kay Ruffa pagkatapos na mag-text ni Shaina?
"Yeah, totoo yun," pag-amin ni John Lloyd.
"Tinawagan ko siya kasi hindi malinaw sa akin, e.
"Hindi malinaw sa akin yung mga nangyari.
"Pagkabasa ko ng phone ko, may mga text messages na hindi maganda ang laman and they were not intended for me.
"So, alam ko, may problema.
"Ang inisip ko, instantly, ayoko nang palakihin pa. Ayoko siyang [Ruffa] idamay.
"Sabi pa nga niya sa akin, 'Okay, I won't say anything about it para huwag nang lumaki.'"
Sa puntong yun ay hindi napigilan ni Shaina na matawa nang mahina.
Sabi naman ni John Lloyd, "I was just trying to do the right thing, Tito Boy."




0

