Inakala ng marami na may bagong sasabihin si Ruffa Gutierrez tungkol sa maintrigang usapin sa kanilang tatlo nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa opening ng Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed kahapon, October 30.
Pero tila nagpipigil nga siyang magsalita pa kahit may sunod na mga tanong sa kanya ang mga co-host na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Ann Carvajal, at Zoren Legaspi.
"I'm not gonna talk about it anymore," ani Ruffa.
"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin na lumabas na rin sa iba't ibang TV stations.
"So, para sa akin, ayoko na nga silang bigyan ng panahon. Tama na. Iyon na 'yon.
"Anyway, they also cleared na rin na wala akong kinalaman sa mga nangyari."
"PROVE IT." Kini-claim ni Shaina na si Ruffa ang unang nag-text kay John Lloyd. Pero mariin itong itinatanggi ni Ruffa.
Aniya, "Sa pagkakaalam ko, hindi ako ang unang nag-text. If they say na ako ang unang nag-text, prove it.
"Hindi ako nakikipag-away. I already said, 'I wish them well. I'm very happy with my life.'
"Huwag nilang palabasin na naghahabol ako.
"Kasi napakahaba ng hair ko. Hanggang talampakan ko!
"Walang nang-aagaw. Kanilang-kanila na.
"May sarili akong Batman sa buhay ko."
Sino si Batman?
"Hindi ko pa natatanggal ang maskara niya, e," sabi naman ni Ruffa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
60 mccec65
59 bagobobabe
58 halabira
57 freemind24
56 winged_angel
55 freemind24
54 ilyang
53 princessconsort
52 nuibi
51 puckerlips143
50 ilyang
49 Deane_2005
48 pmat28
47 Deane_2005
46 blackitten84
45 Jockinthepan
44 grinandgiggles
43 spicy_tuyo
42 szepep
41 moulder
more comments