Jennylyn Mercado on involvement in rumored separation of Raymart and Claudine: "Nakakahiya, nakakahiya talaga."

Rommel Gonzales
Monday, October 31, 2011 @ 09:54PM  |  44777 views

 

"Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako, di ba? Okay lang sana kung sa single ako na-link, di ba? Ang dami namang single diyan. At saka nakakahiya rin kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba? So, parang nakakahiya, na parang lalabas akong two-timer, parang hindi naman maganda yun. Hindi talaga maganda," says Jennylyn Mercado about getting dragged into the recent issue of married couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.

Photo By: Allan Sancon













Live na nagsalita si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central kahapon, Linggo, October 30, hinggil sa pagkakasangkot niya sa diumano'y gusot sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Bakit siya nadawit sa isyu? Dahil ba siya ang leading lady ni Raymart sa nagtapos nang soap ng GMA-7 na Futbolilits?

Ani Jennylyn, "Iyon nga ang iniisip ko. Sabi ko, 'Bakit parang masyadong late para sa isang..."

Tapos na ang airing ng show nila...

"Oo, tapos na ang Futbolilits.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.

"Wala talaga akong idea kung paano ito... ano'ng nangyari.

"Bigla na lang, paggising ko, nag-text sa akin ang manager ko [Becky Aguila], 'Ano ito, bakit nadadawit ka sa isyu nilang dalawa?'

"Para sa akin, parang nakaka... masyadong nakakagulat tsaka hindi nakakatuwa.

"Hindi siya... hindi maganda sa paningin, sa pandinig ng lahat ng tao," pahayag ni Jennylyn.

FORMER CO-STAR. Close ba sila ni Raymart sa set ng Futbolilits? Magkaibigan ba sila? Nagte-text-an ba sila? Magkahiwalay ba o magkasama ba sila sa dressing room?

"Well, kaming lahat, magkakaibigan talaga kami sa Futbolilits.

"Talagang nagkaroon kami ng... Nung natapos kami, talagang nag-iyakan kami kasi talagang para kaming pamilya.

"Pero siyempre, pag nasa dressing room... hiwalay naman yung dressing room ng babae tsaka ng lalaki.

"So, hindi naman yung, di ba, magkadikit kami, tapos... Kumbaga, sa take lang kami nagkakausap, ganyan," paliwanag ni Jennylyn.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

46 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name