"Kaswal na kaswal lang kasi wala naman talaga akong alam, nagulat na lang ako."
MESSAGE FOR RAYMART & CLAUDINE. Sa huli ay hiningan ng mensahe si Jennylyn para kina Raymart at Claudine.
"Sa akin naman, sa aking opinyon, lahat naman ng magkarelasyon o mag-asawa, kahit boyfriend/girlfriend, lahat 'yan may pinagdadaanan, e, di ba?
"Lahat 'yan sila, may problema talagang pinagdadaanan.
"Hindi puro masaya, hindi parang lagi na lang silang... di ba, laging masaya yung relationship.
"Meron talagang mga moments na talagang mahihirapan sila, may mga... darating at darating na mga problema.
"So, sana maayos nila at sana wala nang iba pang madawit.
"Dahil, unang-una, nakakahiya sa kanila, sa pamilya nila, sa pamilya ko rin.
"Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako, di ba?
"Okay lang sana kung sa single ako na-link, di ba? Ang dami namang single diyan.
"At saka nakakahiya rin kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba?
"So, parang nakakahiya, na parang lalabas akong two-timer, parang hindi naman maganda yun.
"Hindi talaga maganda," saad ng Kapuso actress-singer.
At kung kailan sila nagiging close na ni Governor Vilma Santos, na ina ni Luis, ay tsaka pa lumabas ang ganitong isyu.
"Oo. Isa pa, nakakahiya din sa pamilya ni Luis, lalo na kay Ate Vi," sabi pa ni Jennylyn.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
46 tili_2death
45 spark0508
44 prettyhermione
43 sowat_keber
42 sowat_keber
41 spark0508
40 sowat_keber
39 spark0508
38 sowat_keber
37 spark0508
36 spark0508
35 sowat_keber
34 tere_2310
33 prettyhermione
32 prettyhermione
31 fujiko77
30 fujiko77
29 Christiana219
28 prettyhermione
27 prettyhermione
more comments