Richard Gomez and Dawn Zulueta last worked together in 2003 via the movie Filipinas. The ex-couple will reunite in the ABS-CBN primetime series, Walang Hanggan, which is an adaptation of their 1992 movie Hihintayin Kita Sa Langit.

Photo: Courtesy of Leo Dominguez

Ibinabalik ng ABS-CBN ang reel at real loveteam noong '90s nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa pamamagitan ng upcoming primetime series na Walang Hanggan.

Sa taped interview ni KC Concepcion na ipinalabas sa The Buzz kahapon, October 30, tinanong niya sina Richard at Dawn kung paano nagsimula ang kanilang loveteam.

Si Dawn ang unang nagkuwento.

Aniya, "We did a softdrink commercial and I think, that was when the producer said we had something like a screen chemistry."

Sinegundahan ito ni Richard at sinabing, "Yes, yung mga tao, 'Puwede pala yung Richard and Dawn [loveteam].'"

Ano naman ang unang impression ni Richard kay Dawn noong una niya itong makita?

Sabi ng matinee idol, "She's a very jolly person.

"When you look at her, she's very beautiful. 

"Up to now, she's still very beautiful, 'di ba? 

"Sexy and very much available at that time. 

"After that, we did Hihintayin Kita Sa Langit."

START OF ROMANCE. Ang Hihintayin Kita Sa Langit ay ang 1991 film na idinirek ni Carlitos Siguion Reyna para sa Reyna Films, ang film company noon ni Armida Siguion-Reyna. Ito ay base sa classic novel na Wuthering Heights ni Emily Brontë.

Dugtong naman ni Dawn, "That was actually when we were doing Hihintayin Kita Sa Langit, things turned friendship into love.

"I was very excited, kasi crush ng bayan 'yan [Richard] noon.