(UPDATED) Charice Pempengco's father dies from multiple stab wounds

Karen A. Pagsolingan
Tuesday, November 01, 2011 @ 12:40PM  |  828 views

Charice Pempengco is the eldest daughter of Raquel and Ricky Pempengco, whom Charice has not seen for years.

Photo By: Allan Sancon













Namatay sa saksak si Ricky Pempengco, ang ama ng international singing sensation na si Charice.

Ayon sa report ng GMA News.tv, naganap ang insidente noong hatinggabi ng October 30, sa San Pedro, Laguna.

Isang nagngangalang Angel Capili ang itinuturong suspect.

Nilapitan raw nito at sinaksak ang biktima, na noon ay bumibili sa isang tindahan sa may A. Bonifacio Street, Langgam Village.

Nawalay sa ama si Charice sa murang edad.

"Violence" ang itinuturong dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang kanyang inang si Raquel kay Ricky. Sinasaktan diumano ng ama ni Charice ang ina nito.


Ganunpaman, masasabing maganda pa rin ang samahan ng mag-ama.

Ito ay ayun mismo sa tweet ni Charice sa kanyang Twitter account na OfficialCharice:

"Gusto ko lang malaman nyo, na we had a really great relationship bago nangyari lahat ng gulo. Sinabi niya sa akin nung ako'y bata pa na hindi actually alam ni mommy, gusto nya akong maging sundalo kasi sabi niya matapang daw ako. I loved him and I will still love him. He's still my Dad after all."

TWEET FOR DAD'S RELATIVES. Samantala, naging maanghang naman ang tono ni Charice sa kanyang mahabang tweet tungkol sa mga negatibong reaksiyon na narinig niya mula sa ilang kaanak ng kanyang ama.

Heto ang kanyang post bandang alas-otso ng umaga, November 1 (published as is):

"para sa mga kapatid ng daddy ko, wala kayong karapatang sabihin o hulaan ang nararamdaman ko. Sino kayo para sabihing masaya ako sa pagkawala ng SARILI KONG AMA?

"Kapatid lang kayo at ako ay ANAK.

"Kung natatandaan niyo, KAYO MISMO ANG NAGSABI SA AMIN NA IWASAN ANG DADDY KO.

"Sinabi nyo pa na wag gamitin ang apelyido nya. Hindi pinagbawal ni mommy na dalawin ang daddy namin pero HINDI NIYO KAMI PINAYAGAN. Wala kayong respeto sa PAMILYA NYA para sabihin nyo yan ngayon. Imbis na ayusin nyo, sinisira nyo pa!

"Alam ko na nagalit ako sa kanya! Pero hindi ko sinabing itinakwil ko sya.

1  2  Next »

Related Articles

67 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name