Lovi Poe on her late father Fernando Poe Jr.: "Siguro hindi rin ako makakaarte nang maayos kung hindi rin siya nawala sa buhay ko. Kasi lahat ng pinaghuhugutan ko when it comes to acting, lahat nanggagaling sa kanya."

Photo: Noel Orsal

Sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang yumaong amang si Fernando Poe Jr., madalas na natatanong kay Lovi Poe ang tungkol sa kanilang naging relasyong mag-ama noong nabubuhay pa ang King of Philippine Movies.

Hindi pa natatalakay ang tungkol sa pamana na iniwan sa kanya ni FPJ at kung paano niya ito nakuha.

Ito nga ang inusisa ni Cristy Fermin nang ma-interview niya si Lovi para sa "Caught By Cristy" segment ng showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, na ipinalabas noong Linggo, October 30.

Rebelasyon ni Cristy, pagkatapos mamatay ni FPJ, ipinatawag ng tunay na asawa nitong si Susan Roces, ang Queen of Philippine Movies, ang ibang anak ni Da King sa ibang babae.

Kabilang na rito si Lovi (anak sa dating aktres na si Rowena Moran) at si Ronian (anak sa dating aktres na si Anna Marin).

May kaugnayan nga ito sa pamanang iniwan ng yumao nilang ama.

Nirespeto raw ni Susan ang pagiging anak ni Lovi at ibinigay ang para sa kanya. Ano ang naramdaman ni Lovi sa ginawang ito ni Susan?

Ani Lovi, "We had this agreement, all of us, that we're, parang, not allowed to talk about it.

"But of course, I'm happy naman. Of course, I'm thankful.

"Yun lang ang masasabi ko, I'm thankful," sabi ni Lovi.


WOULD LOVE TO WORK WITH SUSAN. Napag-usapan din ang relasyon ni Lovi kay Susan Roces.

Ang ine-expect kasi ng iba ay hindi maayos ang relasyon nila at hindi nagtitinginan nang eye-to-eye.

Pero sa isang interview ni Cristy kay Susan, sinabi ng Queen of Philippine Movies na payag siyang gumawa ng pelikula kasama si Lovi.

Ano ang naramdaman ni Lovi nung makarating sa kanya ito?

"Noon pong una, talagang it felt so good, kasi especially na baguhan pa lang ako, tapos isa siya sa mga tinitingala ng mga artista.

"So, anyone would actually die to hear something like that from the Queen of Philippine Movies.