Vice Ganda recalls how his father was killed in front of him

Elli Alipio
Tuesday, November 01, 2011 @ 01:43PM  |  424 views

 

Vice Ganda on witnessing his father's death: "Ang bigat, sobrang bigat po. Hard struggle for me during my early days, kasi bata pa lang ako. Kasi siyempre, di ba, sobrang traumatic, di ba? Yung tatay mo duguan, yung tatay ko dinala namin sa Chinese General Hospital, tapos gano'n, patay, namatay sa paa ko yung tatay ko... Sobrang bigat, pero kasi, ano ako, e, kasi yung problema ko, gusto kong solusyunan agad, ayokong patagalin... Kaya hindi rin gano'n katagal ang healing sa akin. Pero ngayon nga, nakikita ko yung pumatay sa tatay ko, okay na lang, binabati ko siya pati yung mga anak niya."

Photo By: Noel Orsal













Sa isang presscon na ginanap para sa pelikulang The Unkabogable Praybeyt Benjamin, naibahagi ni Vice Ganda ang kuwento kung paano siya naging "Vice Ganda."

Jose Marie Viceral ang tunay na pangalan ni Vice.

Paano naging Vice Ganda?

Kuwento niya, "Kaya po may Vice, kasi dati yung teacher ko, tawag sa akin, sa apelyido ko ay Viceral, kaya naging Vice. Kasi yun yung tawag sa 'kin ng mga kaklase ko.

"E, nung nagsimula po ako sa comedy bar...nag-aaral na po ako nung nag-comedy bar po ako.

"Tapos yung may-ari ng Punchline, yung mga panahong yun, yung usong pangalan, yung maiksi—tulad ng Anton Diva, Inday Garutay, Rey Kilay. Parang may kasunod.

"So, sabi niya, 'Anong pangalan mo?'

"Sabi ko, 'Wala din po akong maisip.'

"Tapos nung mga panahong yun, nung nasa labas kami ng bar, kausap ko yung may-ari, yung mga galing sa loob nagpapa-picture, ang address sa akin, 'Ganda, pa-picture naman tayo!' 'Uy, Ganda, ang galing mo kanina!'

"Di ba, yung bakla, pag hindi mo alam yung pangalan, Ganda?"

"E, sabi nung may-ari, 'A, yun ang pangalan mo—Vice Ganda!'

"Sabi ko, 'O sige, para pangalan pa lang, alam mo nang joke—Vice Ganda!'

"Kaya do'n po nagsimula ang Vice Ganda."

GETTING OUT OF THE CLOSET. Naitanong din kay Vice Ganda kung ilang taon siya nang nag-open up siya na bakla pala siya.

Aniya, "Wala po talagang pormal na, 'O, eto out na!'

1  2  3  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name