Richard Gomez still with TV5 even if he has a soap with ABS-CBN; hosts The Biggest Show in the World-Asia

Arniel C. Serato
Wednesday, November 02, 2011 @ 10:42PM  |  22502 views

 

Richard Gomez on working for both TV5 and ABS-CBN: "Nasa TV5 pa rin ako. I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I'm doing a soap sa ABS-CBN. I'm doing a show contract with ABS-CBN, not a talent contract na exclusive. Kasi I can't sign an exclusive contract with ABS, kasi meron pa akong shows sa TV5."

Photo By: Courtesy of Richard Gomez













Lumipad na noong Sabado, October 29, bandang alas-tres ng hapon patungong Kuala Lumpur, Malaysia, si Richard Gomez para sa gagawing taping ng pinakabago at pinakamalaking game show ng TV5, ang The Biggest Game Show in The World-Asia.

Ang nasabing show ay pangungunahan ng apat sa naglalakihang TV networks sa Asia—ang RCTI ng Indonesia, Kantana ng Thailand, VTC9 ng Vietnam, at TV5 naman para sa Pilipinas.

Kaya naman nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa NAIA 1 bago siya tumulak papuntang Malaysia, masaya siya at ipinagmamalaki ang pagkapili sa kanya ng TV5 para maging host ng show.

Aniya, "Parang it seems like ako yung maghu-host ng show na 'to [for the Philippine team], kasi iba't ibang bansa ang maglalaban, e.

"For the team Philippines, meron tayong 30 participants, maglalalaban-laban, matira ang matibay.

"For every country, meron silang host.

"So, pinagsama-sama nila ang iba't ibang bansa dun, may kanya-kanya kayong show na ginagawa, inside that game show, labu-labo 'to kaya masaya."

Patuloy pa niya, "Malaki yung set-up dun, kasing laki siguro ng Rizal Memorial Complex.

"Sports arena ng Malaysia, gagawin sa Kuala Lumpur."

Apat na bansa ang maglalaban-laban para sa iisang goal.

Kasabay nito, lumipad na rin kahapon via Diosdado Macapagal Airport ang 3o participants ng Pilipinas.

Kabilang sa kanila ang isang indie actor, dalawang reality-show graduates, iba't ibang modelo, at isang miyembro ng all-male group.


KAPATID O KAPAMILYA? Inusisa na rin ng PEP si Goma kung ano nga ba ang sagot niya sa mga isyung exclusive contract artist na raw siya sa ABS-CBN.

Nakatakda kasing gumawa ng primetime drama series ang aktor sa Kapamilya network, ang Walang Hanggan. Makakasama niya rito ang dati niyang ka-loveteam at kasintahan na si Dawn Zulueta.

Pero paglilinaw ni Richard, "Nasa TV5 pa rin ako.

"I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I'm doing a soap sa ABS-CBN.

1  2  3  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name