news

Richard Gomez still with TV5 even if he has a soap with ABS-CBN; hosts The Biggest Show in the World-Asia

by Arniel C. Serato posted on November 2, 2011  STATS: 23004 Views | 17 Comments

 

Richard Gomez on working for both TV5 and ABS-CBN: "Nasa TV5 pa rin ako. I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I'm doing a soap sa ABS-CBN. I'm doing a show contract with ABS-CBN, not a talent contract na exclusive. Kasi I can't sign an exclusive contract with ABS, kasi meron pa akong shows sa TV5."

Photo By: Courtesy of Richard Gomez

Lumipad na noong Sabado, October 29, bandang alas-tres ng hapon patungong Kuala Lumpur, Malaysia, si Richard Gomez para sa gagawing taping ng pinakabago at pinakamalaking game show ng TV5, ang The Biggest Game Show in The World-Asia.

Ang nasabing show ay pangungunahan ng apat sa naglalakihang TV networks sa Asia—ang RCTI ng Indonesia, Kantana ng Thailand, VTC9 ng Vietnam, at TV5 naman para sa Pilipinas.

Kaya naman nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa NAIA 1 bago siya tumulak papuntang Malaysia, masaya siya at ipinagmamalaki ang pagkapili sa kanya ng TV5 para maging host ng show.

Aniya, "Parang it seems like ako yung maghu-host ng show na 'to [for the Philippine team], kasi iba't ibang bansa ang maglalaban, e.

"For the team Philippines, meron tayong 30 participants, maglalalaban-laban, matira ang matibay.

"For every country, meron silang host.

"So, pinagsama-sama nila ang iba't ibang bansa dun, may kanya-kanya kayong show na ginagawa, inside that game show, labu-labo 'to kaya masaya."

Patuloy pa niya, "Malaki yung set-up dun, kasing laki siguro ng Rizal Memorial Complex.

"Sports arena ng Malaysia, gagawin sa Kuala Lumpur."

Apat na bansa ang maglalaban-laban para sa iisang goal.

Kasabay nito, lumipad na rin kahapon via Diosdado Macapagal Airport ang 3o participants ng Pilipinas.

Kabilang sa kanila ang isang indie actor, dalawang reality-show graduates, iba't ibang modelo, at isang miyembro ng all-male group.


KAPATID O KAPAMILYA? Inusisa na rin ng PEP si Goma kung ano nga ba ang sagot niya sa mga isyung exclusive contract artist na raw siya sa ABS-CBN.

Nakatakda kasing gumawa ng primetime drama series ang aktor sa Kapamilya network, ang Walang Hanggan. Makakasama niya rito ang dati niyang ka-loveteam at kasintahan na si Dawn Zulueta.

Pero paglilinaw ni Richard, "Nasa TV5 pa rin ako.

"I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I'm doing a soap sa ABS-CBN.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  hooney

    11/11/2011 | 03:21 AM
    true yan si Willie hindi katulad ng inaasahan ko sa personal, on topic, ang guaranteed contract ay may mga pros and cons, remember alessandra de rossi, mas ginusto niya matali kesa free lancer?kase mas uunahin ng isang network mga artists nila at may mga allowances pa kesa mga artists na per show lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  kilabotako

    11/03/2011 | 01:28 PM
    we love GOMA,,isa sya sa magaling na actor,,kahit anong genres kaya nya ,,.iba sya,,,were glad balik kapamilya ito,,at tv series pa,,wow!!we miss him sa acting,,wid DAWN ZULUETA pa,,san kapa,,xciting ito,,naging low profile si goma,,focus nalang tlaga sa pagiging ama at asawa niya,,hindi tlaga sa kanya ang pulitika kaya wag ng ipilit baka,,makasira lang sa life,,we cant have it all,,ok,,well,,,kahit saan pa si GOMA,matagal ng stars iyan,ok lang,,freelancer na ang mga ganyang stars noh,,,trabaho lang naman,,diba,,,sana isama sa tv series nila sina,,ROXANE GUINOO-YAP,.LANCE CHRISTHOPER,.NINA JOSE,.JOSEPH BITANGCOL,COGIE DOMINGO,.EJ FALCON,,IVAN DORSCHER,.JACKIE FORSTER,.PIERO VERGARA,JON AVILA,ETC,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jowsef

    11/03/2011 | 09:47 AM
    Naglalakihang TV networks sa Asia?? san galing yun?? sino nag claim?? TV5??? kahit naman sa TV5 hindi exclusive si Goma.Kahit san pwede sya magwork.. Hindi na uso ang talent exclusive contracts ngayon. pang young stars na lang yun..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  wallcrawler

    11/03/2011 | 01:29 AM
    i agree, si Goma ang isa sa mga mababait na artista na nakita ko. namamansin at sumasagot sa mga fans kapag nagtatanong. indi suplado. namiss ko na ung mga kagroup ko sa MAD.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  winged_angel

    11/03/2011 | 01:23 AM
    Mabait si Richard sa personal. Even before politics and all. He is nice to fans. When I was in gradeschool we used to see him grocery shopping with his girlfriend, di siya naiinis even though people would continually stop him and ask to pose for pics or autograph or whatever. Laging nakangiti. Sumasagot pag tinatanong. Si Aga isnabero. Watched him participate in a celebrity basketball game twice . Not once did he engage in small talk with the fans or even turn his head when being called. Kahit mamaos ka, di siya lilingon. Wala kasing TV crew. Si Willie di rin namamasin noon. Ang mabait sa basketball group na yun sina Ricky Davao, Rey Abellana, Nino Muhlach, at sina Jestoni Alarcon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  totoysipa

    11/03/2011 | 01:03 AM
    If Richard Gomez only knew how to eat humble pie when he was younger, he would still be significant in showbiz now, as Aga Muhlach and Christopher De Leon contiinue to do so. If not for his well-liked and more popular wife, Lucy, total has-been na si Goma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  bisdak_akopud

    11/02/2011 | 08:52 PM
    Itong c Goma, pumafanget lalo as he ages...sobra kasi ito nung kabataan pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Speed_OfLight

    11/02/2011 | 08:30 PM
    walang hanggan o hanggang wala?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Space_Ace

    11/02/2011 | 08:14 PM
    sabi ng abs exclusive na raw sa kanila si goma pero sabi naman ng tv5 eh nasa kanila pa rin. sino kaya ang sinungaling?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shastarose

    11/02/2011 | 08:08 PM
    show sa 2 biggest network pep? bakit may nanunoud ba sa tv 5? ang alam kung 2 biggest network ch 2 and 7 lang. dont tell me, may pay-check ang pep sa ch 5?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eugeniogozon2

    11/02/2011 | 05:54 PM
    Sana mauso na rin ang per show contracts tulad ng ginagawa sa Hollywood. This will break the barriers preventing actors to work with the other network. At sana ma-promote yung pag establish ng production houses na independent from TV networks para mas maging competitive yung TV industry na hindi lang nakasalalay sa TV networks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    11/02/2011 | 03:44 PM
    Still the best looking actor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • machuraka

    11/02/2011 | 02:53 PM
    eh ano naman ngayon kung sa tv5 pa rin sya? bitter talaga itong mga kapusucks...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • beybong

    11/02/2011 | 01:16 PM
    yabang pa ng abs na ipamalita na balik kapamilya na si Goma eh hindi naman pala exclusive! hahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bears

    11/02/2011 | 12:57 PM
    kaya siguro maraming lumilipat sa tvs kasi pwede ka pang rumaket sa ibang channel di gaya sa abs-cbn, exclusive contract ang gusto nila kaya di ka makakalipat kasehodang frozen delight ka na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jjjjjjjjjj

    11/02/2011 | 12:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wanna_change

    11/02/2011 | 12:34 PM
    checking
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About