Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 entertainment and creative head na si Perci Intalan noong Biyernes, October 28, sa Marriot Hotel, pagkatapos ng contract signing ng Superstar na si Nora Aunor sa Kapatid Network.
Una muna naming inusisa kung ano ba ang nakapaloob sa kontrata ni Ate Guy sa TV5.
Ayon kay Perci, "Hindi ko kayang sabihin lahat yung detalye, pero it's three years.
"Marami tayong plano, marami tayong gagawin, hindi lang sa TV kundi pati sa pelikula.
"You'll never know but, hopefully, matuloy yung pagpunta niya sa States para maipagamot na yung ano niya sa throat niya.
"Sana within the three years, matuloy yung inaasam-asam niya na makapag-concert ulit.
"So, it's going to be an exciting three years."
Kasama sa kontrata ni Ate Guy ang paggawa ng pelikula at isa nga rito ang Hototay, isang co-production sa pagitan ng Regal Entertainment at Studio 5.
Hindi man natuloy ang shooting nito para sana sa Metro Manila Film Festival 2011, matutuloy naman daw ito at a later date.
Bukod sa paggawa ng pelikula, marami pa raw plano ang TV5 sa naturingang "pinakabagong Kapatid" na si Nora Aunor, dahil sa pagkakataong ito, talent contract na ang pinirmahan sa istayson ng Superstar at hindi lamang show contract.
Dagdag pa Sir Perci (na siyang nakakagawiang tawag sa entertainment chief): "Full-length na teleserye ang binabalak namin.
"Merong talent show na pinag-usapan, kasi sa talent show galing si Ate Guy, di ba?
"Na-mention ko na rin naman na yung nakita rin namin, bukod sa pagiging actress, magaling din siya as a host.
"Yung rapport niya sa fans, yun sa mga contestants, lahat yun tini-take into consideration namin."
ON JOHN LLOYD CRUZ. Marami na ring lumitaw na mga pangalan na diumano'y ino-offer-an ng TV5 para maging Kapatid.




0

