Asked if he has adjusted to married life with Mariel Rodriguez, Robin Padilla says the better question is: Has Mariel adjusted to married life with him?

"Siyempre kasi, abnormal akong tao. Kaya hanga ako sa mga normal. Alam naman ni Mariel yun. At ngayon, alam na niya na moody ako."

 

Photo: Allan Sancon

"E, sa totoo lang, medyo nabawasan ang romantic moments dahil pareho kaming busy.

"Hindi kagaya noong hindi pa siya nagta-trabaho."

NO KISSING SCENES. Kilala siyang mahigpit at seloso. Ngayon ba ganoon pa rin siya?

"Hindi, wala," mabilis naman niyang tanggi. 

"Basta ayoko lang [siyang] makipag-kissing scene.

"Personal na sa akin yun. 

"Sabi ko nga sa kanya, gumawa na siya—parang gagawa na yata siya ng series do'n.

"Kasama siya sa mga drama.  Sabi ko, okay lang na may leading man basta walang halikan.

"Yun lang. Personal yun."

Selosa ba si Mariel?

"Basta nasa tama."

Meron pa rin bang dahilan para mag-selos si Mariel?

"E, minsan kasi, hindi maiiwasan na may nasasabi ka, na para sa kanya, hindi mo na dapat sinabi yun. 

"Hindi naman selos, parang may mga palso rin ako minsan."

Naging isyu naman ang naging pahayag niya sa Wil Time Big Time na parang "ayaw na niyang makita si Mariel na umiiyak at naghahanap ng psychiatrist."