Senator Bong Revilla appeals to Genelyn Magsaysay, mother of Ramona Bautista: "Pabalikin mo ang anak mo. Kung talagang walang sala siya, pabalikin mo."

Gorgy Rula
Sunday, November 06, 2011 @ 09:19AM  |  33685 views

Senator Bong Revilla appeals to Genelyn Magsaysay (in photo), mother of Ramona "Mara" Bautista, the senator's half-sister who is a suspect in the October 28 slaying of Ramgen Revilla: "Ako'y nanawagan sa nanay ni Mara na si Genelyn. Pabalikin mo ang anak mo. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam na aalis ang anak mo. Pabalikin mo ang anak mo. Kung talagang walang sala siya, pabalikin mo. Para maging maliwanag ang lahat, dahil anak mo ang biktima, anak mo ang pinatay. Si Ramgen, anak mo. Mahal ka ng anak mo, alam mo yun. Kailangan mabigyan siya ng hustisya."

 

 

Photo By: Danny Pata













Ramdam ang bigat ng kalooban ni Senator Bong Revilla nang kausapin siya ni Lolit Solis via phone patch sa Startalk TX noong Sabado ng hapon.

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya ang senador sa pag-alis ng kapatid nito sa ama na si Ramona "Mara" Bautista.

Kaya nanawagan ito sa ina ni Ramona na si Genelyn Magsaysay na pabalikin ng bansa ang kanyang anak.

"Ako'y nanawagan sa nanay ni Mara na si Genelyn. Pabalikin mo ang anak mo.

"Hindi ako naniniwala na hindi mo alam na aalis ang anak mo.

"Pabalikin mo ang anak mo. Kung talagang walang sala siya pabalikin mo.

"Para maging maliwanag ang lahat, dahil anak mo ang biktima, anak mo ang pinatay.

"Si Ramgen, anak mo. Mahal ka ng anak mo, alam mo yun.

"Kailangan mabigyan siya ng hustisya," pakiusap ni Senator Bong kay Genelyn.

Pinaslang si Ramgen Revilla sa kanyang tahanan sa Parañaque nuong October 28.

RAMONA HAS A HUSBAND IN TURKEY. Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may asawa na pala si Ramona na nasa Turkey.

Ayon sa ilang malapit sa pamilya, nung namatay si Ramgen, gusto na raw nitong umalis patungong Turkey.

Pinigilan lang ito ni Andrea Bautista-Yñares, kapatid na buo ni Bong, at pinakiusapan na hintayin munang matapos ang libing ni Ramgen.

Kaya malaking palaisipan daw sa Revilla/Bautista family na umalis pa rin si Ramona patungong Hongkong sa gitna ng pagkakapatay sa kanyang kapatid na buo at ng pagkakasangkot sa kanya sa krimen.

May haka-hakang baka tumuloy na ito ng Turkey.

1  2  3  Next »

Related Articles

80 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name