Mamayang 1:30 ng hapon (November 6, 2011) sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, bibigyang linaw raw ni Ruffa Gutierez (left) ang kuwento tungkol sa gusot na namamagitan sa kanila ng ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz (right) at Shaina Magdayao (not in photo).

 

 


Mamayang 1:30 ng hapon (November 6, 2011) sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, bibigyang linaw raw ni Ruffa Gutierez ang sinasabing buong kuwento tungkol sa gusot na namamagitan sa kanila ng ex-boyfriend nitong si John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Nag-ugat ang huling hidwaan ng tatlo pagkatapos ng nangyaring birthday concert ni Vina Morales sa Republiq noong October 17, kung saan nag-tweet si Ruffa ng, "My gosh, panahon pa ni Magsaysay... wag ka naman ma-insecure!

"There's nothing I can do if my legs are longer than yours. Hellow!"

Sinundan pa ito ng dalawa pang mahiwagang tweets na, "No cure for the insecure. Kalurks ka girl.

"Seriously be real! That was so nineteen kopong kopong!

"I should have stayed home and slept!"

Isa pang tweet ng Paparazzi host noong gabi ding yun ay, "Behind the tweet is a back story.

"Please 'wag niyo po akong palabasin na masama.

"I'm the nicest person on earth but I hate the most is receiving psychotic messages at ungodly hours.

"This isn't the first and thank God, I have many credible witnesses who can defend me."

Dito na nagsimulang lumabas na may namumuong tensiyon na naman sa pagitan ni Ruffa at ang kampo ni Shaina Magdayao.



Mas lalo pang lumalim ang gulo nang lumabas at nagpa-interview sina Shaina at John Lloyd sa The Buzz noong nakaraang linggo kung saan naungkat ang kung sino ang unang nagpadala ng text kanino.

Dito sinabi ni Shaina: si Ruffa ang unang nagpadala ng text sa cellphone ng boyfriend niya, na sinagot naman niya ng "Please leave us alone."



HOW IT STARTED. Pero ayon sa exclusive interview ni Mo Twister kay Ruffa para sa Paparazzi na mapapanuod mamayang hapon, kabaligtaran sa sinabi ni Shaina ang inamin ni Ruffa.

Ayon pa sa Paparazzi host, pumasok ang unang text message sa kanyang cellphone eksaktong 1:33 ng madaling araw.

Naglalaman raw ito ng mga salitang "Shut up."

Sinagot naman niya ito bandang 1:45 a.m. ng: "Excuse me?''