Ruffa Gutierrez about Shaina Magdayao: "You know, yun ang pinakamasakit na pinapalabas niya, na hanggang ngayon naghahabol ako. First of all, wala akong kailangang habulin. Kanyang-kanya na si John Lloyd."

Photo: Noel Orsal

Sa ikatlong bahagi ng tell-all interview ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi Showbiz Exposed, tinalakay ang pagkakaroon muli diumano ng tensiyon sa kanila nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Nagsimula raw ito nang magkita ang tatlo sa birthday party ni Bea Alonzo sa Establishment sa The Fort noong October 8, 2011.

Tanong ni Mo Twister kay Ruffa, "Actually hindi ito nag-start sa party ni Vina, a week prior sa party ni Bea Alonzo. How did the tension start as far as you know so far?"

Saad ni Ruffa, "Well, you know Mo, I didn't have a plan to go to Bea's birthday but I met her at Esquire Ball, and sabi niya, 'Miss Ruffa please pumunta ka sa birthday ko.'

"Alam mo si Bea, na-miss ko din 'yan, e. Nakasama ko 'yan sa I Love Betty La Fea.

"Raymond [Gutierrez, Ruffa's brother] was going, Georgina Wilson was going... We all went together with Cristalle Belo and Garlic Garcia.

"We all went there, stayed for ten minutes.

"I saw JL from a far, he smiled, I smiled.

"We didn't even see each other up-close. We didn't talk.

"I didn't see Shaina at all.

"So I didn't even know that she was there.

"Although Roxy [Liquigan] from ABS-CBN was the one who picked me up and said that Shaina was there.

"Ang para sa akin, ang tagal na nun, Mo. It was, lik,e more than two years ago."

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang maiksing relasyon nila noon ni John Lloyd.

Patuloy niya, "We will bump into each other at events, we will bump into each other at parties. This is a small industry.