JM de Guzman on getting the lead role in Angelito...Batang Ama: "Ayokong isipin o ayokong dumating sa ulo ko na panahon ko ito. Ang mas pinanghahawakan ko ngayon, yung grabeng tiwala na 'binibigay sa akin ng management, ni Direk Lauren [Dyogi]. A...dun ako nagpo-focus, paano ko ibabalik ito [tiwala]. Actually, alam ko na kung paano. Abangan ninyo na lang."

Photo: Noel Orsal

May bagong serye ang ABS-CBN na ipapalabas ngayong Nobyembre—ang Angelito...Batang Ama.

Ang young actor na si JM de Guzman ang bida rito bilang si Angelito, isang binatang ama.

Ano ang feeling ni JM na bida na siya sa isang serye?

Sagot ng young actor, "Siyempre nakakakaba, nakaka-challenge at the same time.

"'Tsaka nakakataba ng puso dahli ano...binigyan ako ng tiwala, ganito kabigat na tiwala, na bihira ibigay sa mga artista ngayon.

"Tapos, masyadong mabibilis yung mga nangyayari.

"Right after Mula sa Puso, meron na agad kasunod sa serye.

"So nasa-shock ako, at the same time thankful sa ABS.

"So, dobleng kayod para maibalik ko man lang yung pagtitiwala nila sa akin, lalo na sa unit ni Direk Lauren [Dyogi]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM pagkatapos ng guest appearance niya sa ASAP Rocks noong Linggo, November 6.

Aminado naman si JM na may pressure siyang nararamdaman ngayong may sarili na siyang serye.

Aniya, "Hindi naman nawawala yung pressure. Pero ginagamit ko na lang.

"Hindi ko hahayaan na maging block yun para hindi ako makaarte nang maayos."

JM'S TIME. Matagal na ring nasa pangangalaga ng ABS-CBN si JM.

Pero ngayon pa lang talaga siya napapansin at nabibigyan ng magagandang proyekto ng Kapamilya network.