Si Luis Manzano ang napapabalitang boyfriend ngayon ni Jennylyn Mercado.
Kaya hindi nakakapagtaka at marami ang nagulat nang maugnay ang pangalan ni Jennylyn bilang diumano'y third party sa napapabalitang hiwalayan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
Itinanggi na ni Jennylyn na may kaugnayan siya sa anumang nangyayari ngayon sa buhay nina Raymart at Claudine. (CLICK HERE to read related story.)
Siyempre pa, hindi rin maiiwasan na hingan ng kanyang opinyon si Luis sa pagkakasangkot ng pangalan ng rumored girlfriend sa naturang isyu.
Sa maikling panayam ng The Buzz kay Luis, ipinakita ng TV host-actor ang pagtataka na nasangkot ang pangalan ni Jennylyn sa isyu.
Ayon kay Luis, "Ang masasabi ko lang, 'Saan nanggaling?'
"It was a very casual question.
"Ayoko nang buhatin ang sarili kong bangko, na dahil hindi ako nag-react, gentleman ako. Hindi..."
Pero paano sinuportahan ni Luis si Jennylyn sa naturang isyu?
"Alam n'yo, she's stronger than what you think," sagot nito.
Hindi rin naniniwala si Luis na magagawa ni Jennylyn ang katulad ng pagsasangkot sa pangalan nito sa naturang isyu.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 kilabotako
17 tineetinee
16 tili_2death
15 bumblebee1
14 totoysipa
13 desire2010
12 ohmychika
11 MARKY2000
10 zabeth58
9 pexaddict
8 milomilo123
7 gorgeous_aleck
6 tere_2310
5 puckerlips143
4 sipsip
3 pinoycali_ako
2 LiamXY
1 kapusoakotalaga