Ang mga social networking site na Facebook at Twitter ang ginagamit ni Genelyn Magsaysay at ng kanyang mga anak para ipahayag ang kanilang mga saloobin tungkol sa malaking pagsubok na kinakaharap ngayon ng pamilya nila.
Ilang araw matapos ilibing ang anak na si Ramgen Revilla noong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 2, naging aktibo si Genelyn sa Facebook.
Bukod sa hiling na mga dasal, mga Bible quotations ang naka-post sa account niya na nananatiling bukas sa publiko.
PORTIA ILAGAN. Ginamit din ni Genelyn ang kanyang Facebook account para sagutin ang mga pahayag ni Portia Ilagan sa Paparazzi noong Linggo, Nobyembre 6.
Si Portia, dating movie reporter, ang spokeperson ng pamilya nina former Senator Ramon Revilla, Sr. at kasalukuyang Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr.
Sa kanyang live interview sa Paparazzi, ikinuwento ni Portia ang ilan sa mga nagaganap sa tahanan ni Genelyn.
Kabilang na rito ang diumano'y pagkainggit ni Genelyn kapag may mga bagong sasakyan ang mga anak ni Senator Bong Revilla, Jr. na sina Bryan at Jolo.
Ilang minuto pagkatapos ng pagsasalita ni Portia sa Paparazzi, sinagot agad ni Genelyn sa Facebook ang kanyang mga pahayag:
"Portia Ilagan, how did you know things about me, do you visit me? As I know, malapit ka sa mommy nila Sen. Bong, mas kilala mo sila at lahat ng lihim ng Revilla. Don't be biased. Bigyan mo ng katarungan ang mga anak ko!!!
"Portia Ilagan, spokeperson ni Sen.Bong, kilala mo ako. I'm so kind to you. You are betraying me. God knows everything, you know it very well. Fear God!!! STOP LYING!!!"
MY CHILDREN ARE INNOCENT. Naka-post din sa Facebook account ni Genelyn ang paniniwala nitong inosente ang kanyang mga anak na sina Ramona at Ramon Joseph.
Sina Ramona (Mara) at Ramon Joseph (RJ) ay idinadawit sa pagpatay sa kapatid nilang si Ramgen (Ram).
Nakakulong pa rin si RJ sa Parañaque City Jail, mula noong isinuko siya ng half-brother na si Bong Revilla.
Si Mara naman ay tinatayang nasa Turkey na ngayon, sa piling ng kanyang Turkish husband.
Nakatakda ngayong araw, Nobyembre 8, ang preliminary hearing sa kaso na kinasasangkutan ni RJ. (CLICK HERE to read related story.)




CALLED OUT
ALL COMMENTS
93 am_not_a_princess
92 nosebleeders
91 cocodhe
90 Aldrich18ofUSA
89 amdp
88 amdp
87 amdp
86 sosingmasa
85 dakilangina
84 updatedako
83 netsurfer007
82 milomilo123
81 milomilo123
80 grinandgiggles
79 inggiteraparin
78 inggiteraparin
77 ms_pasaway
76 gjoel
75 LosAngeles
74 hoperisen888
more comments