Si Sheena Halili ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central noong Linggo, November 6.
ALJUR ABRENICA. Ang unang itinanong kay Sheena ni John "Sweet" Lapus, ang host ng naturang segment, ay kung totoong kinilig si Sheena nang napasama sa epic-seryeng Amaya si Aljur Abrenica.
"No" ang sagot ni Sheena sa tanong.
"Truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.
Ayon sa young actress, "Wala din namang masama kung hahangaan natin si Aljur.
"Aljur Abrenica 'yan, di ba, si Machete?
"Wala namang masama kung humanga ka, ang guwapo-guwapo niya, lalaking-lalaki ang hitsura niya.
"Pero hindi naman siguro yung kinikilig ka na talagang... di ba?
"Okay lang namang humanga, wala namang masama dun."
ROCCO NACINO. Ang pangalawang tanong kay Sheena ay kung malaki na ba ang impluwensiya ni Rocco Nacino sa buhay niya.
Balita kasing espesyal na ang ugnayan ng dalawa at laging present si Sheena sa engagements or events ni Rocco.
"No" muli ang sagot ni Sheena.
Pero "Lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.
Iniimbitahan ba siya ni Rocco sa events nito?
Sabi ni Sheena, "Oo, naimbitahan ako dun sa Fashion Week niya. Yung sa Bench niya, naimbitahan ako.




0

