Erich Gonzales (main photo) on Mario Maurer's (inset) chance if he decides to court her: "Chance? Naku po, noong nagsu-shoot ako ng commercial sa Bangkok, yung mga friends niya, nakilala ko na rin dahil nakatrabaho ko na rin. Meron siyang close friend do'n na close sa girlfriend niya, kaya alam ko na may girlfriend siya. So, wala, imposible."

Photo: Noel Orsal

Sa April 2012 nakatakdang simulan ang pelikulang pagtatambalan ng Kapamilya young actress na si Erich Gonzales at ng Thai heartthrob na si Mario Maurer.

Pero ngayon pa lang, nagiging usap-usapan na ito dahil na rin sa pagdating sa bansa ni Mario upang lumabas sa Philippine Fashion Week para sa Penshoppe at upang pumirma ng kontrata sa Star Cinema.

Last week ay nagkita at nagkasama na sina Erich at Mario. Nagkaroon daw ng pagkakataon na magkakilanlan ang dalawa over dinner.

Ikinuwento ni Erich ang pagkikita nilang iyon ni Mario sa live interview sa kanya ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz noong Linggo, November 6.

Sabi ng young actress, "Yes, na-meet ko po siya over dinner.

"Kasama ko sina Direk Rory [Quintos] and, ayun po, napag-usapan na rin namin ang story ng pelikula.

"Masaya. Nagkuwento po siya na mahilig siya sa skateboarding at gusto rin niya ang hip-hop, kagaya ko.

"Tapos sabi niya rin, gusto niyang mapanood ang movie naming I Do—yun, gusto raw niyang makita."

Ang I Do ay pelikula nina Erich Gonzales at Enchong Dee na ipinalabas noong isang taon.

MEETING MARIO. Ano naman ang first impression ng 21-year-old actress kay Mario?

"He's a nice guy po," sagot niya.

What are the two things she likes about Mario?

"Napaka-charming niya and he's cute."

Kinilig ba siya kay Mario?

"Lahat naman po kinikilig. Di ba, kayo rin?" tugon ni Erich.