Daiana Menezes on Direk GB Sampedro's absence when fire razed her condo unit: "Let's not blame GB, kasi hindi namin alam kung anong rason niya, kung ano reason, or kung nandun siya talaga or whatever.

"Sa akin naman, sa pagiging tao mo, pag nakita mo ang isang aso na nasusunog, or isang bagay or isang object in front of you na it's burning... ako ha, that's my ugali, I would get a balde and then I will throw tubig and I will try to help.

"Kung nabalitaan niya na andun ako or hindi, for whatever reason, for whatever galit, or whatever tampo na meron kami from the relationship—siyempre, maybe the comments [of people against GB] are kinda the same as what I thought."

Photo: Noel Orsal

"Dahil pati na yung ibang neighbors na hindi close sa iyo, tinutulungan nila ako, so parang...

"Yeah, it's kinda disappointing, but it's okay.

"Maybe natulog siya, maybe wala naman siya doon.

"Pero ang sinabi ng guard, 'Tinawagan namin si Sir, e.' Pero wala.

"Pero, for me, it's okay, that's not naman an issue."

So, kung tinawagan ng mga guards, ibig sabihin, nandun si GB sa building?

"I don't know, that's what... kasi I'm not stalking naman him, so I don't know if he's there."

Tinawagan na ba siya ni GB para kumustahin ang lagay niya?

"Ay, wala! No, no he hasn't."

THE REAL SCORE. Dahil sa mga pahayag ni Daiana, tinanong siya ni Pia kung may problema ba ang relasyon nila ni Direk GB?

Ang alam kasi ng publiko ay engaged na ang dalawa at malapit nang magpakasal.

"Huwag mo akong paiyakin, Pia!" sambit ni Daiana.

Pagkatapos nito ay ibinuhos na ng Brazilian beauty ang kanyang saloobin.

"Okay... kasi ako, e... parang for me, that's a sign na parang kung sino ang dapat importante sa buhay mo na...

"Ang mga friends ko, I want to thank them na pumunta sila kaagad doon."