Karl Tiuseco on why he chose the indie path to stardom: "Nag-indie ako, kasi gusto ko na makilala ako na hindi dinidikit yung pangalan niya. Gusto ko makilala at tumayo sa sarili kong pagsisikap." Ang "niya" na tinutukoy ni Karl ay ang kapatid na si JC Tiuseco.

 

 

Photo: File photo

Sumabak na rin sa pag-aartista si Karl Tiuseco, ang panganay na kapatid ng hunk actor na si JC Tiuseco.

Si Karl Tiuseco ay isa sa mga pangunahing bida sa sexy indie film na Id'nal (Mapusok) ng Ecstatic Entertainment Productions.

Ito ay idinirehe ni G.A Villafuerte.

Mapapanood ang special advance screening nito sa UP Diliman Film Center sa Nobyembre 11, 2011, ika-7 ng gabi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karl sa mini-presscon ng nasabing pelikula noong Nobyembre 7, sa Skarlet Jazz Kitchen, sa may Timog Avenue, Q.C.

Ayon kay Karl, alam ni JC at pati na rin ng kanyang mga magulang na may ginagawa siyang indie film—pero hindi raw nila alam na medyo sensuwal ang gagampanan niyang papel dito.

"Bale first film ko 'tong Id'nal, pero nakapag-guest na ako sa iba't-ibang TV shows kasama si JC.

"Pero hanggang guesting-guesting lang ako noon.

"Alam ng family ko, pati si JC, na may ginagawa akong indie film, pero hindi nila alam na sexy film yung ginagawa kong pelikula.

"Kami kasi ni JC, hindi kami nag-uusap kung ano yung mga ginagawa namin.

"Like yung mga project niya sa TV, tapos sa akin naman yung sa indie film ko."

Malapit ba ang dalawa gaya ng karamihang magkakapatid sa showbiz?

"Sobrang close kami pati yung isang kapatid namin.

"Bale tatlo kasi kami, kaya lang hindi talaga kami palakuwento sa isa't isa sa mga ginagawa naming activities.

"Si JC rin kasi sobrang busy niya sa bagong soap na ginagawa niya ngayon, yung Kokak.