Karl Tiuseco on why he chose the indie path to stardom: "Nag-indie ako, kasi gusto ko na makilala ako na hindi dinidikit yung pangalan niya. Gusto ko makilala at tumayo sa sarili kong pagsisikap." Ang "niya" na tinutukoy ni Karl ay ang kapatid na si JC Tiuseco.

 

 

Photo: File photo

"Tapos ako naman, nagshu-shooting ng Id'nal, kaya minsan paggising ko wala na siya, pumunta na siya'ng taping.

"Tapos, ako naman pupunta na rin ng shooting, so wala talaga halos time na nagtatagpo yung oras namin.

"Pero pag may mga time na hindi kami busy, pumupunta kami sa bedroom nila mommy, tapos doon kaming lahat nagkukuwentuhan at nagtatawanan— bonding ng pamilya namin."

Kampante naman si Karl na hindi ikakagulat ng pamilya niya ang pagpapa-sexy sa pelikula.

"Hindi naman siguro, kasi sinabihan naman ako ng mommy ko ng mga bagay na hindi ko dapat gawin sa paggawa ng indie film.

"Alam ko rin naman kasi yung limitations ko, at naiintindihan din naman yun ng producer at direktor ko sa Id'nal."

Marami tuloy ang nai-intriga sa mga lumalabas na mga litrato at teaser hango sa pelikula.

Hanggang saan nga kaya ang pagpapakitang gilas ni Karl sa kanyang unang sabak?

"Kung ano yung hinihingi ng script at director namin, yun yung ginawa ko... yung kaya ko lang.

"'Tsaka kung ano yung ginawa ko dito, trabaho lang yun, at hindi si Karl yun kundi yung role na ginagampanan ko.

"Basta panoorin niyo na lang kung ano yung ginawa ko.

"Basta alam ko na I did my best at napaka-challenging ng role ko dito."

Ayon kay Karl, wala namang dahilan para di niya imbitahin ang kanyang pamilya upang panoorin ang Id'nal.

" Why not! Kung hindi sila busy at gusto nila panoorin, even si JC kung gusto niya manood, okey lang sa akin.

"Bahala na kung ano yung magiging reaksiyon nila pag napanood nila yung film. Ha ha ha!"