Luis Manzano on negative issues about rumored girlfriend Jennylyn Mercado: "Ang sa akin, it's pretty obvious that someone likes to ruin her, to get her name sa mga nali-link sa kanya. I'm not sure kung ano ang intensiyon, but unfortunately, may mga tao kasi talagang walang magawa."

Photo: Allan Sancon / Noel Orsal

"Kung sinasabi nga nila 'something-something,' bakit pa ako papupuntahin ni Jen?

"Common sense naman. 

"Dumalaw ako sa Futbolilits, iisang table kami—ako, si Paolo, si Jen."

Dagdag pa ni Luis tungkol sa mga nagkakalat umano ng mga kuwento tungkol kay Jennylyn: "Ganun naman talaga.

"Sabi ko nga, yung mga ganung tao, hindi na magbabago yun.

"Hayaan na natin yun. 

"Ang sa akin, it's pretty obvious that someone likes to ruin her, to get her name sa mga nali-link sa kanya.

"I'm not sure kung ano ang intensiyon.

"But, unfortunately, may mga tao kasi talagang walang magawa."

TRANSPARENCY. Nakausap na ba niya si Jennylyn at naklaro nito ang mga isyung ikinakabit dito?

"Yung kay Raymart, tinanong ko lang kung saan nanggaling yun, and kahit siya, hindi niya alam. 

"I think she spoke on [Showbiz] Central, nakapag-usap pa sila kung saan nanggaling ito. 

"Sinabi ko sa kanya, 'Oy, may issue ka ngayon kay Paolo!'

"Sabi niya, 'Paano nangyari yun, e, tinext ko nga si Paolo?'

"E, alam ko nga, nagte-taping ng Futbolilits. Nagkataon nagkita-kita pa sila sa mall.