Kyla is excited to be Mrs. Rich Alvarez: "Finally, magkakaroon na ako ng apelyido!"

Elli Alipio
Wednesday, November 09, 2011 @ 04:25PM  |  22383 views

 

"Actually, mas lalo akong kinakabahan ngayon, kasi malapit na talaga, bilang na lang yung mga araw," says Kyla about her wedding to basketball star Rich Alvarez.

Photo By: Noel Orsal













Nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang R&B Princess na si Kyla kaninang tanghali, November 9, sa Center Stage, Tomas Morato.

Ito ay para sa kanyang solo concert sa Teatrino Greenhills na gaganapin sa November 11, Friday.

Kapansin-pansin ang kakaibang glow at pagka-blooming ng singer, marahil dahil siguro sa nalalapit nitong kasal sa kanyang basketbolistang boyfriend na si Rich Alvarez, na kabilang sa koponan ng Talk N' Text.

Sa November 28, Monday, ang petsa ng kanilang kasal.

Excited na si Kyla sa kanyang nalalapit na kasal, pero tulad ng ibang ikinakasal, hindi raw maaalis ang kaba sa kanyang dibdib.

"Grabe, malapit na, two weeks from now...sa November 28 na!" bulalas ng R&B Princess. 

Aniya pa, "Actually, mas lalo akong kinakabahan ngayon, kasi malapit na talaga, bilang na lang yung mga araw.

"Finally, magkakaroon na ako ng apelyido!" pabiro nito.

Ang tunay na pangalan ni Kyla ay Melanie Hernandez Calumpad.

ENTOURAGE. Traditional church wedding daw ang gagawin nina Kyla at Rich, pero hindi pa nagbigay ng ibang detalye ang bride-to-be.

Gaya ng kung saan simbahan ito gaganapin at kung sinu-sino ang mga magiging ninong at ninang nila.

"E, surprise na lang!" natatawang sabi ng singer.

"Basta malalaman n'yo na lang, surprise. Mahirap na, e.

"Magugulat na lang kayo!"

Ang kinumpirma lang ni Kyla ay kinuha raw nilang ninang si Regine Velasquez-Alcasid, na nagsilang ng una nitong anak na si Nathaniel James kagabi, November 8. (CLICK HERE for related article)

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name