news

Wilma Doesnt enjoys being a single mom to two daughters; welcomes a visit to the kids by their "missing" fathers
by Interview by Monching Jaramillo and Joseph Dayrit Text by Jocelyn Jimenez posted on November 10, 2011  STATS: 18703 Views | 10 Comments

 

Wilma Doesnt (in photo) on being a single mom: "I'm happier, easier 'yong mga decisions—kung saan school papasok, kung anong manners ang ituturo. So, alam mo 'yong confusion? Mas less na ito lang, ako lang 'yong disciplinarian, mommy ko 'yong spoiler, hindi nagka-clash 'yong ideas."

Photo By: Noel Orsal

Hindi gaanong lumalabas ngayon sa TV at pelikula ang model-comedienne na si Wilma Doesnt.

Ang huling pelikula niya ay ang Got 2 Believe (2002), na pinagbidahan ni Claudine Barretto at ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Sa TV naman, ang huli niyang regular show ay ang defunct musical-variety show ng TV5 na P.O.5.

Pero, sa nalalapit na Kapaskuhan ay muli nang mapapanood si Wilma.

Kasama siya sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Yesterday, Today, and Tomorrow, na pagbibidahan nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion.

ATTITUDE PROBLEM. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES!magazine si Wilma sa set ng Yesterday, Today, and Tomorrow sa Baliuag, Bulacan, last week.

Dumating si Wilma sa set na may karamdaman, pero game naman siyang nagpakuha ng litrato at magpa-interview.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa kanya ay binigyang-linaw niya ang usap-usapan na may "attitude problem" siya kaya nawawalan siya ng show.

"Ako ba ang laging may attitude?" pabirong sabi ni Wilma.

"Hindi naman siguro, I don't feel like I have attitude.

"Siguro lang, nagkataon na 'yong pagkatao ko—sobrang strong, vocal ako.

"I mean, kung ano 'yong nararamdaman ko, sasabihin ko.

"I think much better 'yon kaysa naman pag nakaharap 'yong tao, ang bait ko, pag nakatalikod, nagba-bad mouth ako.

"For me, I think that's attitude.

"Pero me, being upfront and being true to myself, I don't think that's an attitude at all."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  pilyangmaganda

    05/16/2013 | 04:50 PM
    I used to like Wilma, I thought napaka bait o may high morals ika nga. With her physical looks kumbaga but nagkamali ako. Grabe naman ang babaeng ito - iba2x ang tatay ng anak! Maawa ka naman sa mga anak mo teh - ayusin mo nag buhay mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • endot

    11/12/2011 | 09:19 PM
    bakit kaya diring diri si onemig dito kay wilma. supermodel naman ito di ba? at least hondi pagsasabihan na maitim ang kilikili nito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    11/12/2011 | 03:45 PM
    eh kung nagpajontis ka kay Ramon Revilla Sr nuong panahon pa ng kastila eh di wala ka talang problema o di kay Bong...Set for life a na teh!Pinas, wag tularan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • totoysipa

    11/11/2011 | 01:30 PM
    Asus, kahit ako naman ang mga tatay, magmi-missing in action din ako. Ano naman kayang good manners ang maituturo ni Wilma sa mga daughters niya eh parang wala naman siya ng ganoon? Ang kawalan niya ng project ang proof na hindi siya gustong makatrabaho ng mga tao sa showbiz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    11/11/2011 | 03:57 AM
    maniwala ako sa iyo? siempre gusto ng mga anak may tatay silang kinagisnan...tama ka na wilma wala kalang choice., mabondo,bondok ka na lang..di ba onemig
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    11/10/2011 | 09:46 PM
    what can i say ba? lol.... hmmm, some women complain that their partners are seloso, that ganito ganyan ganon. so enjoy your singleblessedness and kids, wilma. what matters most is you can breathe and can do what you wanna do where and when you want to lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    11/10/2011 | 09:17 PM
    kapatid nya ba yong nabalita kailan lang sa tv patrol na natubunan ng basura at umiiyak yong nanay..yong lugar mukhang squater yata ngulat lang ako kc kahit papano kumikita naman cya ng konti bakit doon pa rin nktira family nya..minsan totoo tlga kasabihan na pgdi ka marunong lumingon s pinangalingan mailap din ang swerte sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bisdak_akopud

    11/10/2011 | 09:08 PM
    Nakakatawa naman ito. At first akala ko sinabi ni Wilma na she doesn't enjoy being a single woman to her kids...lol...dont know her kaya no comment
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    11/10/2011 | 06:15 PM
    medyo umaray ako sa article na 'to. tama nga naman si Wilma, kung nais nilang makita ang anak nila, punta lang at kumatok sa pinto nila. okay yan. swerteng mga tatay at very open si Wilma sa ganyang usapin. peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • endot

    11/10/2011 | 05:07 PM
    walang nagcocomment!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About