ABS-CBN star Anne Curtis was supposed to perform "Someone Like You" at the kick-off party of the USTv Awards earlier tonight, November 10. But according to her, she was not allowed by GMA-7 staff to even go onstage.

Photo: Noel Orsal

May nangyaring kaunting kaguluhan sa kick-off party ng USTv Awards ngayong gabi, November 10.

Ang USTv Awards ay ang taunang parangal ng mga estudyante ng University of Sto. Tomas para sa pinakamahuhusay sa larangan ng telebisyon.

Sa kick-off party ay nagdala ng kanilang mga artista ang tatlong major networks ng bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7—upang maghatid ng kasiyahan sa mga estudyante at guro ng pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.

Isa sa Kapamilya stars na dumalo sa kick-off party ay si Anne Curtis.

Nang dumating si Anne sa UST ay nag-tweet agad ito sa kanyang personal Twitter account.

Excited na sinabi nitong magpe-perform siya nang "live" sa harap ng Thomasians.

Ito ang dalawang magkasunod na tweets ni Anne:

"Text by Madlang Thomasians!!! I'm heeeerrre! Will be performing for you guys LIVE at the USTV Kickoff party!!"

"Maloloka kayo as kakantihin ko. Dream ko ma-complete ang song na to LIVE and finally I'll do it tonight! Super nervous!!!!"

Pero makalipas lamang ang ilang minuto, sinabi ni Anne sa kanyang Twitter account na aalis na siya.

Hindi raw kasi siya pinayagan na umakyat ng stage ng "GMA staff."

Sabi ni Anne, "Thomasians, I'm sorry I had to leave na. I tried to at least get up on stage and say hi kahit 2 minutes lang but GMA staff didn't want.

"Thomasians, I was there on the left side of the stage & told them kahit d na ako kumanta babati Lang ng Hi and Hello but GMA Staff said no

"I really had to leave na kasi... Hope you all still appreciate the effort I made to go to the campus and I even prepared a song."