news

Anne Curtis "not allowed" by GMA-7 staff to perform at kick-off party of USTv Awards

by Erwin Santiago posted on November 10, 2011  STATS: 7600 Views | 935 Comments

 

ABS-CBN star Anne Curtis was supposed to perform "Someone Like You" at the kick-off party of the USTv Awards earlier tonight, November 10. But according to her, she was not allowed by GMA-7 staff to even go onstage.

Photo By: Noel Orsal

May nangyaring kaunting kaguluhan sa kick-off party ng USTv Awards ngayong gabi, November 10.

Ang USTv Awards ay ang taunang parangal ng mga estudyante ng University of Sto. Tomas para sa pinakamahuhusay sa larangan ng telebisyon.

Sa kick-off party ay nagdala ng kanilang mga artista ang tatlong major networks ng bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7—upang maghatid ng kasiyahan sa mga estudyante at guro ng pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.

Isa sa Kapamilya stars na dumalo sa kick-off party ay si Anne Curtis.

Nang dumating si Anne sa UST ay nag-tweet agad ito sa kanyang personal Twitter account.

Excited na sinabi nitong magpe-perform siya nang "live" sa harap ng Thomasians.

Ito ang dalawang magkasunod na tweets ni Anne:

"Text by Madlang Thomasians!!! I'm heeeerrre! Will be performing for you guys LIVE at the USTV Kickoff party!!"

"Maloloka kayo as kakantihin ko. Dream ko ma-complete ang song na to LIVE and finally I'll do it tonight! Super nervous!!!!"

Pero makalipas lamang ang ilang minuto, sinabi ni Anne sa kanyang Twitter account na aalis na siya.

Hindi raw kasi siya pinayagan na umakyat ng stage ng "GMA staff."

Sabi ni Anne, "Thomasians, I'm sorry I had to leave na. I tried to at least get up on stage and say hi kahit 2 minutes lang but GMA staff didn't want.

"Thomasians, I was there on the left side of the stage & told them kahit d na ako kumanta babati Lang ng Hi and Hello but GMA Staff said no

"I really had to leave na kasi... Hope you all still appreciate the effort I made to go to the campus and I even prepared a song."

Ang "Someone Like You" ng British singer na si Adele raw sana ang kakantahin ni Anne.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

935 Comments

  • 355  jams_mom

    11/11/2011 | 08:58 AM
    in the first place, im sure USTV had their own organizers and production staff... hindi GMA ang nagdidikta ng flow ng programa... let's say nagthreaten ang GMA na ipull-out ang artists nila pag pinayagan si anne na maunang lumabas, i think they have the right to do that... Anne should apologize for her unprofessionalism and her diva attitude...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 354  Mute19

    11/11/2011 | 08:56 AM
    Saka yng may comment na yng ibang nagaantay e di sikat unlike anne. We all have to remember na dati e di rin sya sikat. Lhat cla dumadaan sa pumipila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 353  comentaryo

    11/11/2011 | 08:56 AM
    everyone has the right to express their own opinion and emotion. Nothing is wrong with the tweets of Anne. - why be affected too much?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 352  comentaryo

    11/11/2011 | 08:54 AM
    Anne Curtis -ikaw ang gusto naming mkta kagabi..napakasayang talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 351  Mute19

    11/11/2011 | 08:53 AM
    Parang nagfefeel na itong girl na eto. U could have said na di ka na mkaakyat coz it wasnt ur tym And you cant wait that long. Bka yng ibang nkapila e di sikat masyado kya feeling mo, dapat unahin ka. Tsk tsk. Nagpakita lng ng bagsak na puwet e feeling na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 350  MARKY2000

    11/11/2011 | 08:48 AM
    Ang taas naman ng ere nitong si Anne CURTIS.Hindi komo pumatok sa takilya ang last movie nila eh magpi-feeling Superstar na sya.Kung alas otso na sya dumating at yung nauna na kanya eh mula alas-singko pa eh normal lang na hindi sya payagan ng GMA staff.Aber kung may commitment sya sa iba eh hindi kasalanan ng GMA iyon.Maging konsiderable naman sya dahil kung sya ang nasa katayuan ng ibang GMA stars at may gustong mauna sa kanya eh hindi din siguro sya papayag.Kung na HURT ka Anne Curtis eh hindi mo na sana ginawang KONTRABIDA ang GMA.Huwag ka nang EPAL kase ang kasikatan eh hindi pangmatagalan yan!Baka bukas yung gusto mong unahan eh ikaw naman ang UNAHAN pagdating ng panahon!Hala ka ikaw din!Umiikot lang ang mundo day!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 349  pep_user

    11/11/2011 | 08:48 AM
    kung ako naging organizer ng event, i would let anne to hi maski 2mins lang.kc naman for sure, isa si anne sa highlight ng event. ako, i would rather see anne than those kapuso artists na wla namang K!..its true!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 348  jams_mom

    11/11/2011 | 08:47 AM
    tigilan na ni anne ang pagpapaawa... she was UNPROFESSIONAL, PERIOD!... bakit hindi nya i-tweet how late she was and how she wanted sympathy dahil hindi pinagbigyan ang kayabangan nya?... she cant pull her weight everytime... kung sa dos bigay-hilig sa kanya, hindi dapat mangyari yan sa labas ng dos... anne, are you another MONSTER in the making?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 347  jed_raz8

    11/11/2011 | 08:45 AM
    hahahaha.. kktawa nman ang mga kapuso d2 oh.. mga galamay nila pra sirain c Anne eh umaalagwa n.. pasok mga kapuso. sirain nyo si Anne pero sorry to say mas may credibilidad nman c Anne compare sa inyo... at sisihin b ng gma ang organizers???? kala ko b may puso kau? eh bkit simpleng Hi o Hello lng di nyo mapagbigyan?? considering dating kapuso c Anne at kinausap nman kau???haizzz... bhala n kau kung cnu paniniwalaan nyo pero di nyo mpipigilang magalit ang madlang pips sa gnwa nyo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 346  wengski7

    11/11/2011 | 08:45 AM
    I like Anne but her tweets are malicious.....Tsk Tsk....parang GMA was mean to her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 345  gorgeous_aleck

    11/11/2011 | 08:32 AM
    ayun naman pala eh. hindi na time kaya di siya dapat magalit. 5pm pa yung iba dumating tapos siya ay 8pm na. unfair naman doon sa naghintay ng mas maaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 344  peaches_n_cream

    11/11/2011 | 08:23 AM
    di pa ba big star si anne? blockbuster movie, naka gold ang album kahit for fun lang yun, at kaliwa't kanang endorsements... weather we like it or not, let's admit Anne has arrived!!!! sabi nga normal na yung ganung me sumisingit na artists because of different reasons. anne has her own reasons too..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 343  annaging

    11/11/2011 | 08:23 AM
    Anne Curtis lumalaki na ang ulo mo. Baka ang ibang GMA Artist ay may mga commitment din sila kaya since nauna sila dapat sila muna ang maisalang. Hindi lang ikaw ang may commitment no. Alam mo pala na huli ka na dumating at nakiusap ka sa GMA 7 staff tapos pinalabas mo pa na di ka nila pinakanta sa stage. Kaloka ka girl. Akala mo na kung sino ka. No other woman padding lang iyan. naka 200 million kamo. haha ha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 342  peaches_n_cream

    11/11/2011 | 08:20 AM
    hahaha!!! diwata natawa naman ako sa yo. isa isa lang at isa lang naman ang pambato ng syete...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 341  kapiso68

    11/11/2011 | 08:15 AM
    SIMPLE - Anne just wanted sympathy. Ms. Curtis, be professional ok. You are not yet a BIG star. One HIT does not make au a Superstar. Im glad I'm not your fan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 340  angel25

    11/11/2011 | 08:11 AM
    ha? chemistry nilang tatlo ni Derek, Cristine and Anne ang nagpanalo sa No Other Woman, may pelikula na dati si Anne, di naman dinumog ng ganun, at yung album nya naging Gold, dahil ibinaba na ang quota to get gold.......but given the fact na pumatok ang film nya.....she has no right to act like that, na lalampasan ang mga nakapila para mauna.....sabagay kaya nga hanggang ngayon bulok pa rin ang Pilipinas, dahil yan ang uso satin.....at kinukunsinte pa ng mga tao, dahil sa sikat, mayaman or makapangyarihan......tsk tsk, im really disappointed with Anne.....kahit hanapin nyo pa past comments ko kay Anne, I really liked her.......pero right now. I dont like her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 339  doslugi

    11/11/2011 | 08:07 AM
    kung si anne ang batayan ng good singer..... well kaya pala bwahahahahahhaha. Infairness ha late dumating pero gusto maisalang agad kaloka bwahahahahhahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 338  doslugi

    11/11/2011 | 08:06 AM
    Siga pala tong si anne late dadating tapos gusto masalang agad at kakanta pa. Grabe bwahahahhahaha kaloka singer ba to? Yabang nito e laruan lang din naman to ni manny pacquiao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 337  doslugi

    11/11/2011 | 08:03 AM
    singer ba talaga to? my goshhhhhhhhh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 336  doslugi

    11/11/2011 | 08:02 AM
    gusto ko pa naman xia grabe saksakan pala ng sama ng ugali nitong si anne late dadating tapos gusto xia na agad ang isalang. bakit ano ba ang tingin nito sa sarili nya reyna? kaloka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About