news

Anne Curtis "not allowed" by GMA-7 staff to perform at kick-off party of USTv Awards

by Erwin Santiago posted on November 10, 2011  STATS: 7599 Views | 935 Comments

 

ABS-CBN star Anne Curtis was supposed to perform "Someone Like You" at the kick-off party of the USTv Awards earlier tonight, November 10. But according to her, she was not allowed by GMA-7 staff to even go onstage.

Photo By: Noel Orsal

May nangyaring kaunting kaguluhan sa kick-off party ng USTv Awards ngayong gabi, November 10.

Ang USTv Awards ay ang taunang parangal ng mga estudyante ng University of Sto. Tomas para sa pinakamahuhusay sa larangan ng telebisyon.

Sa kick-off party ay nagdala ng kanilang mga artista ang tatlong major networks ng bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7—upang maghatid ng kasiyahan sa mga estudyante at guro ng pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.

Isa sa Kapamilya stars na dumalo sa kick-off party ay si Anne Curtis.

Nang dumating si Anne sa UST ay nag-tweet agad ito sa kanyang personal Twitter account.

Excited na sinabi nitong magpe-perform siya nang "live" sa harap ng Thomasians.

Ito ang dalawang magkasunod na tweets ni Anne:

"Text by Madlang Thomasians!!! I'm heeeerrre! Will be performing for you guys LIVE at the USTV Kickoff party!!"

"Maloloka kayo as kakantihin ko. Dream ko ma-complete ang song na to LIVE and finally I'll do it tonight! Super nervous!!!!"

Pero makalipas lamang ang ilang minuto, sinabi ni Anne sa kanyang Twitter account na aalis na siya.

Hindi raw kasi siya pinayagan na umakyat ng stage ng "GMA staff."

Sabi ni Anne, "Thomasians, I'm sorry I had to leave na. I tried to at least get up on stage and say hi kahit 2 minutes lang but GMA staff didn't want.

"Thomasians, I was there on the left side of the stage & told them kahit d na ako kumanta babati Lang ng Hi and Hello but GMA Staff said no

"I really had to leave na kasi... Hope you all still appreciate the effort I made to go to the campus and I even prepared a song."

Ang "Someone Like You" ng British singer na si Adele raw sana ang kakantahin ni Anne.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

935 Comments

  • 335  diwata

    11/11/2011 | 07:58 AM
    merlion25, Ano sa palagay mo??? Hindi nga ba big star na si Anne ngayon??? Dapat pala mag pa poll ang Pep..Sino ang mas big star..Si Marian ng gma o Anne ng ABs. O wag ng magsama ng ibang names ha...isa-isa lang kse iisa lang panlaban ng gma eh. nyahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 334  diwata

    11/11/2011 | 07:54 AM
    Nakow, kung baligtarin nyo ang nangyari at taga gma ang ginanyan panigurado naghuhuramentado na ang mga pans dito. Lol! kesyo masama ugali ng mga taga Abs... alam na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 333  cygnet210

    11/11/2011 | 07:53 AM
    Tama ka Capis. Ni isang artista sa GMA at TV5 walang makakapantay sa kasikatan ni Anne ngaun. Big star talaga siya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 332  merlion_25

    11/11/2011 | 07:49 AM
    big star daw si Anne??? huwhaaaattt? what a joke. ahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 331  cygnet210

    11/11/2011 | 07:44 AM
    Nanghingi lang daw siya ng 2 minutes para magreet sa mga Thomasians pero di daw siya pinayagan. Grabe naman ka-oa yung GMA staff.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 330  capisceniente

    11/11/2011 | 07:44 AM
    Yung ibang artists isiningit daw dahil may hinahabol na commitments. Si Anne meron din commitment sa rehearsals. Bakit di nyo pinagbigyan. And to say the truth, she is a BIG star. Super duper mega blockbuster ang latest film nya at almost 2 million ang followers sa Twitter. Walang ganyang kasikat na artist ang GMA, at walang artista from GMA na kumita nang ganung kalakas sa movie ni ANne. SORRY, the truth really hurts.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 329  n9sapphire

    11/11/2011 | 07:40 AM
    ganun lang ba un so unfair naman grabe naman ung staff na yan ng gma di maganda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 328  cygnet210

    11/11/2011 | 07:39 AM
    Thomasians really wanted to see Anne. Sabi nila kahit wala daw stars ng GMA basta makita lang nila si Anne. Sayang talaga. Next year nalang Ms. Anne!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 327  egalapin

    11/11/2011 | 07:25 AM
    Tama lang naman d siya paakyatin. Sa dami ng stars na naunang dumating, siya pa gusto mauna? NOT FAIR. ano un, pa star epek? Gusto lang nya mauna, aba, d komot kumita movie nya, pa star na siya. Akala nya bigyan siya ng special treatment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 326  meiimeii

    11/11/2011 | 07:12 AM
    I mean di napagbigyan.. HAHA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 325  exclusibo

    11/11/2011 | 07:12 AM
    This just shows you that Anne Curtis is laosian na. Kahit na kumita ang movie here being only one of 3 artistas there, she still knows na hanggang sa ganoon role na lang siya mapapanood ng mga tao. That does not translated to hatak sa mga manonood like what happened to her solo starrer, or all her flopsina TV shows. Kaya nagawa ng issue para mapansin siya kasi hindi na agad siya pinapansin ng mga tao after the run of the movie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 324  meiimeii

    11/11/2011 | 07:11 AM
    Kay Anne na ang Gold Record pati ang Box Office Movie isama niyo narin ang over-confident award. Hindi nmn yan ang issue e, tungkol to sa pagiging late niya at nanghingi ng favor na napagbigyan na ikinagalit ni Anne.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 323  liebling

    11/11/2011 | 06:53 AM
    mariankimfan..Yes,its true,,u can watch that episode of antm now and ull know what im talkin.As in 10scs.lng dinaanan ng camera.Shes kind a wardrobe stylst for bench but they ddnt air much on her part na pngssb din nya sa tweeter lol.Nagmuha julalay don c georgina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 322  ylanisxian

    11/11/2011 | 06:50 AM
    to Hooney -- sure ka na ABS-CBN fanatics ang UST. Onting research naman please... GMA ang laging humahakot ng awards dyan sa UST. Anu yon, nagbibigay ng awards ng labag sa loob. Onting gamit na rin ng utak please....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 321  mariac2

    11/11/2011 | 06:47 AM
    I was starting to like Anne after watching her latest movie but i think mejo oa na ang confidence niya sa sarili.. Dapat naging simple lang yun validation niya sa tweets niya na hindi natuloy her supposedly performance...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 320  liebling

    11/11/2011 | 06:44 AM
    OMG mga gma viewers dw hindi nkpag aral...imagine that? minaliit mga kapuso viewers.NO WAY!!.eh mismo ngang talent ng kapamilya hindi mga nagcpagtapos eh.Start with ANE CURTIS HERSELF lol..followed by the rest of beauty with no talent na pnagbbda nila..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 319  DamonSalvatore143

    11/11/2011 | 06:43 AM
    ano ng nagyari sa bibig nito? lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 318  delicate_tickles

    11/11/2011 | 06:38 AM
    i like anne. kaya lang ang daming bad comments about sa kanya na totoo naman. visit 3 w fashion pulis . "first 3 letters ng computer" madami talagang blind items sa kanya. and take note reliable ang website na yan kasi halos lahat nga issues na lumabas, nauna nang binlind item sa website na fashion pulis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 317  jams_mom

    11/11/2011 | 06:38 AM
    hahaha... matatalino po ang mga taga-UST kaya since nag-umpisa yang USTV awards na yan, majority ng winners from GMA... abangan sa the Buzz si anne to make kwento what happened... palalabasing pinigilan sya kahit sya yung nagpaka-unprofessional to begin with.. gumawa na naman kayo ng gulo para pag-usapan... why cant you just play the game fair baka sakaling umangat naman ang ratings nyo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 316  silent_gab

    11/11/2011 | 06:33 AM
    Big star or newbie, kung ano ang tama, dapat lang na masunod. Late na siya so, dapat isipin nya rin yung sitwasyon ng iba. Kung big star ang claim ng mga fans niya sa kanya, she should have been a good example to others. Maging professional siya at huwag magpa-late.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About