news

Anne Curtis "not allowed" by GMA-7 staff to perform at kick-off party of USTv Awards

by Erwin Santiago posted on November 10, 2011  STATS: 7582 Views | 935 Comments

 

ABS-CBN star Anne Curtis was supposed to perform "Someone Like You" at the kick-off party of the USTv Awards earlier tonight, November 10. But according to her, she was not allowed by GMA-7 staff to even go onstage.

Photo By: Noel Orsal

Aniya sa kanyang tweet, "First time to sing it live and full song dapat! Haha. Oh well, maybe next year! It was nice seeing you guys kahit saglit!

"Anyway moving on. Off to rest my voice for my special guesting at Side A and Martin Nievera's concert at the Smart Araneta! Nervous!!!!"

Dahil sa tweets na ito ni Anne, maraming mga tagahanga niya ang nag-post din ng kanilang tweets. Karamihan sa kanila ay binatikos ang GMA-7 dahil sa nangyari sa kanilang idolo.

Pero mabilis namang nagpaliwanag si Anne sa kanya pa ring Twitter account, na sa kasakuluyan ay mayroong 1,866,679 followers.

Sinabi ng aktres na pabayaan na lamang ang insidente at sinabihan ang kanyang fans na huwag na silang magalit sa GMA-7.

Sabi ni Anne sa kanyang tweet, "Hayaan nyo na guys. GMA staff probably had their own reasons. Just wanted to let you know why I disappeared all of a sudden. :)

"Wag na kayo magalit sa GMA peeps.. And just to clear it."

At dito niya dinagdag: "They didn't said bawal ako kumanta ever.. They just didn't want na mauuna ako sa Artists nila..

"I tried to negotiate and say Hindi na Lang ako kakanta, Hi Lang.. But I guess Lang din sila cguro. Kaya deadma na. :)"

Dagdag ni Anne sa kanyang tweet, "think I explained it the best way that I can. Sorry again Thomasians! Hope you all know I really wanted to get up on stage & SING! Hahaha!

"It's just sad that i was already about to get on stage, as in by the stairs na. Kasi nauna ako dun before the GMA Artists were there tapos pinigilan nila..

"I guess what I learned from tonight is to humbly take a deep breath, give way and say BYE :)"

Bago naging contract star ng ABS-CBN si Anne ay gumawa muna siya ng ilang proyekto sa GMA-7.

Bukod sa pagiging aktres ay isa na ring recording artist ngayon si Anne, pagkatapos i-release ng Viva Records ang debut album niyang Annebisyosa.

OTHER SIDE OF THE STORY. Kaugnay ng isyung ito, may nakausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naroon sa venue na binabanggit ni Anne.

« Prev  1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

935 Comments

  • 55  winonao1

    11/11/2011 | 12:06 AM
    pinagpala talaga si anne mabait kasi talaga sya eh kahit di talaga matatawag na singer ayon nag gold ang album, sangkatutak ang mga commercials, mukha nalng nya palagi ang nakabalandra sa mga billboards, super hit pa movie nya, may showtime everyday pa and i've heard may gagawin sya teleserye early next year at may gagawin pang movie. ikaw na talaga anne!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  uzisassy

    11/11/2011 | 12:03 AM
    Loka-loka pala sya, Late sya pupunta tas gusto nya sya mauna. Di ba kinaiinisan ng mga tao ung mga paVIP na nauuna sa pila kasi feeling bigtime sila. Hydrocephalus lang?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  ulingnijonalyn

    11/11/2011 | 12:03 AM
    Anne Curtis certified gold artist going to Platinum na hahaha... Angeline Quinto certified Platinum artist, naungusan pa ang mga singers na 19kopung kopung pa peri ni gold wala hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  kuratong_balileng

    11/11/2011 | 12:02 AM
    buti pa yung trying hard my gold award, yung biritera wala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  jika

    11/11/2011 | 12:02 AM
    porek hindi ka lang napakanta o nakanta e nag fefeeling ka na! ano ka ba! sus..wala ka karapatan mag salita ng ganyan hindi ka diva na bigyan ng importansya! kung kalevel mo sila regine.. etc baka di ka balewalain.. sus.. issue mo para sa album mo gagamitin mo GMA! grabe parang di ka nggaling don...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  Cutiepie2010

    11/11/2011 | 12:02 AM
    Me mga rules kc na dapat sundin, kung me mga nakaline up na, u have to follow it.. It doesnt matter kung sino ka o ano ka, thats how it goes! Kaloka lng kasi talagang feeling singer maski sakit sa tenga ang boses hahaha..!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  boloboy1000_diva

    11/11/2011 | 12:00 AM
    dyosko!!! sabay ganun... anne curtis trying hard singer n sbi nga mas dpt mon pagtuungan nga pag arte mo n ln kc lht ng bgy n makuha ng kapamilya ay katumbas ay pera.. Kawawa nmn yun mga may talent naisantabi dahil s premadonna n 2lad mo ANNE..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  kuletski

    11/11/2011 | 12:00 AM
    Makikita rin naman sa followers kung ano ang breeding nila syempre pareho ng idol nila....wag lang di may masabi kahit mali idol nila eh rescue to the max!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  kuratong_balileng

    11/11/2011 | 12:00 AM
    dapat kang maaga kung wala kang ibang commitments gaya ng GMA artist na di busy, walang project, walang endorsements,walang pictorials,walang mall shows, tapings, guestings, so maaga ka talagang darating sa venue, the fact na excited ka pa na makatungtung sa UST ground,NA MAKILALA NG uST, so aagahan mo talaga, pero si anne ay sobrang busy, syempre darating ka ng di naman late, kundi on time lang, bakit? 5pm ba nagsimula ang awards night ?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  ulingnijonalyn

    11/10/2011 | 11:59 PM
    Grandslam kasi ang kapamilya sa USTV almost every year haha...GME try harder!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  jika

    11/10/2011 | 11:59 PM
    sus anne! ginagamit mo na naman ang gma para mag ka issue ka!! mga kaibigan mo nasa gma! haay nakakdisapoint ka mag tweet!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  futyakmod

    11/10/2011 | 11:58 PM
    lol malas lang ng mga Thomasians, estarlets from GMA network ang nakita nila, di si Ann. pahilhasa mga insecure.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  winonao1

    11/10/2011 | 11:56 PM
    haha inis na inis na cguro yung mga thomasians ngayon kasi di nila nakita si anne inaabangan pa naman nila lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  Cutiepie2010

    11/10/2011 | 11:55 PM
    Its ok Anne better luck next time.. Natakot nman ako sa plano mo kantahin ung Someone Like U ni Adele.!! Brave ka tlaga girl.!! Me reason nman pla GMA staff para hinde ka payagan pumunta ng stage, next time agahan mo ang dating mo para maka kanta ka at makabati sa people
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  krenda

    11/10/2011 | 11:54 PM
    feeling big star na sa maikling tagumpay nya... Hoy gising Anne!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  kokuryu

    11/10/2011 | 11:53 PM
    and sino naman itong source na to? taga GMA rin ba? xempre kakamihan nila yun... and ganitoba magtreat ang mga taga GMA ng dati nilang talents? buti pa sa abs, kahit si heart ay iniinvite sa mga gatherings ng abs...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  fujiko77

    11/10/2011 | 11:53 PM
    sabagay, kailangan ni Anne ng issue, wala na syang article eh.. wala pa syang soap. para naman ma i guest sya sa The Buzz at matanong ni abondat ng katan ngahang mga questions..tutal tan nnga naman si Anne, ok lang na tan nnga din ang mag iinterview.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  kuratong_balileng

    11/10/2011 | 11:52 PM
    hello.. po.. studyante po ang mga thomasians, bakit naman nila kukunin para magperform doon si sharon, vilma at nora, utak friend, nasa sahig nagkalat.. pakipulot
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  fujiko77

    11/10/2011 | 11:52 PM
    correct KOKURYU, di naman si Anne lang ang may commitment..yung iba meron din pero nag give way din naman sila... yan ang mahirap sa mga Pilipino... pa istar! si late Lady Diana nga na mother nila Prince Will and Prince Harry, pinapila nya mga anak nya nung nag disneyland sila...that's the true definiton of being humble and understanding.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  shellphone

    11/10/2011 | 11:51 PM
    not really a big issue. late sya at gusto nyang mauna. eh may mga naka line-up na na ibang artist kahit big or small you have to wait. Unless naka salang ka sa pang 8pm then go.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About