Alex Gonzaga reunites with Kean Cipriano in TV remake of P.S. I Love You; admits previous misunderstanding between them

Ruben Marasigan
Friday, November 11, 2011 @ 01:01PM  |  254 views

 

Alex Gonzaga on previous misunderstanding with Kean Cipriano: "Hindi naman 'yon gano'n kalalim. Parang misunderstanding lang ng dalawang magkaibigan. Tapos, hindi na kami nakapag-usap. Hindi na namin napag-usapan. Hindi na namin na-settle 'yong issue. Pero noong nagkita ulit kami, parang wala nang nangyari. So, parang nakalimutan na namin pareho. Kahit hindi na namin iyon napag-usapan."

Photo By: Noel Orsal













Masaya si Alex Gonzaga dahil sa November 21 na magsisimulang umere sa TV5 ang bagong seryeng pagbibidahan niya. 

Ito ang TV remake ng pelikulang P.S. I Love You (1981), na tinampukan noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at tumabo sa takilya.

"Happy ako kasi mapapanood na naman po ako sa primetime," sambit ni Alex nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang pagkikita ng PEP at ni Alex noong Miyerkules, November 9, sa Studio B ng TV5, pagkatapos ng taping nito para sa Juicy!. 

Dagdag ni Alex: "Excited rin kasi ibang kuwento na naman ito. 

"'Tapos, ibang mga aratista naman ang kasama ko rito—like si Mr. Gabby Concepcion, si Ms. Dina [Bonnevie], si AJ [Muhlach], Ate Candy [Pangilinan]. 

"Actually, lahat ng kasama ko rito, except for Kean [Cipriano], ay lahat mga bago kong nakilala. 

"First time ko silang nakatrabaho, so excited po ako." 

P.S. I LOVE YOU. Malaki raw ang pagkakaiba ng role niya sa P.S. I Love You kung ikukumpara sa Babaeng Hampaslupa, ang unang primetime series na tinampukan niya kasama sina Alice Dixson at Ms. Susan Roces.

Sabi ni Alex, "Sa Hampaslupa po kasi, ang role ko ay mahirap na naging mayaman. 

"Dito naman po sa P.S. I Love You, mayaman na naging mahirap.

"Kumpara po sa Hampaslupa, na later on ay naging prim and proper ang character ko, dito naman po ay mag-start ako na prim and proper hanggang palala nang palala dahil sa mga nangyayaring problema sa pamilya namin."

KEAN CIPRIANO. How is it working with Kean again?

"Okey naman. 

"Ngayon parang bago pa lang kaming magkakilala ulit dahil ang tagal naming hindi nagkatrabaho. So, iyon. 

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name