Charee Pineda on getting lead role in Angelito: "Sobrang happy talaga. Kasi matagal kong pinag-pray ito, e. Ilang years kong hinintay ito. At finally, napapansin naman pala yung ginagawa namin ni JM. Yung lahat ng efforts namin nagbubunga na. Sobrang proud lang po ako para sa aming dalawa at sobrang happy."

Photo: Noel Orsal

Biggest break hindi lang para kay Charee Pineda kundi pati na rin sa loveteam nila ni JM de Guzman ang pagiging bida nila sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN, ang Angelito: Batang Ama.

Mapapanood ito simula sa Lunes, November 14, sa Kapamilya Gold.

Unang nagsama sina Charee at JM sa Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom.

Sumunod ay sa Precious Hearts Romances Presents Alyna.

Nagkasama rin sila sa Mula sa Puso, kung saan naging ka-love triangle si Charee ng tambalan nina JM at Lauren Young.

Balik-tambalan nga sina Charee at JM dito sa Angelito, kung saan ginagampanan nila ang role ng mga kabataang naging mapusok, na nauwi sa pagbubuntis ni Charee at pagiging batang ama ni JM.

BIGGEST BREAK. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charee sa press conference ng Angelito: Batang Ama kahapon, November 10.

Ibinahagi nga ng aktres ang kanyang kasiyahan sa malaking break na ito.

Aniya, "Sobrang happy talaga. Kasi matagal kong pinag-pray ito, e. Ilang years kong hinintay ito.

"At finally, napapansin naman pala yung ginagawa namin ni JM.

"Yung lahat ng efforts namin nagbubunga na.

"Sobrang proud lang po ako para sa aming dalawa at sobrang happy."

Pero nakakaramdam din daw siya ng pressure.

Aniya, "Pressured ako kasi mas malaki na yung roles na ipinagkakatiwala ng ABS sa akin.