"Alam ko naman sa sarili ko na nakakapag-deliver ako, at proud ako sa lahat ng ginagawa ko."
KISSING SCENE & LOVE SCENE. First time daw gumawa ng matinding kissing scene at love scene ni Charee sa Angelito.
Mabuti na lang daw at si JM ang kasama niyang gumawa ng sensitibong eksenang ito dahil kumportable na siya sa aktor.
Ayon kay Charee, "Buti nga si JM ang kasama ko.
"Nag-undergo po kasi kami ng sensuality workshop para matanggal yung ilang namin ni JM.
"Pero iba pa rin talaga pag actual na. Sobrang kabado talaga ako.
"Nakatulong po na si JM ang ka-partner ko kasi kumportable na ako sa kanya.
"Hindi naman po kami nakahubad kasi mga high school students po kami. So, yung lovemaking namin parang may innocence pa rin."
Humingi rin daw ng permiso ang production team ng Angelito sa parents ni Charee tungkol sa kissing scene at love scene nila ni JM.
Kuwento ng young actress, "Kinausap po nila yung mom ko at saka yung dad ko.
"Sinabi nila na hindi naman nila ako pababayaan.
"Alam naman nila Direk Lauren [Dyogi, business unit head of ABS-CBN] kung hanggang saan lang ang kaya ko. I don't think na pipilitin nila akong gawin ang ayaw ko."
Hanggang saan ba ang kaya niyang gawing pagpapaseksi?
"Basta po as long as hindi bastos ang kalalabasan ng istorya at maganda yung role na io-offer gagawin ko po.
"Alam ko naman po na darating yung mga role na ganito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 red_radiance
10 micaela
9 eveready
8 dreamer
7 merlion_25
6 dreamer
5 dreamer
4 sffan001
3 trinoma_rat
2 prettyme4sure
1 global2010