In the program, State of the Nation with Jessica Soho, aired November 11 on GMA News TV Channel 11, Jessica Soho asked Genelyn Magsaysay if anyone in her family knew about the plan to kill her son, Ramgen Revilla.

"Wala pong kaalam-alam ang kahit sinuman sa amin sa pagkamatay ni Ramgen. Hindi po kayang gawin ng aking pamilya na pumatay ng kanilang sariling kapatid. At ako bilang ina, hindi ko kayang gawin kay Ramgen yun. Ako ang nag-alaga sa anak ko," Genelyn says.

 

 

Photo: Danny Pata


Live na humarap si Genelyn Magsaysay, ina ng napaslang na si Ramgen Revilla, kay GMA News anchor at executive na si Jessica Soho para sa programang State of the Nation with Jessica Soho na napanood kagabi, November 11, sa GMA News TV Channel 11.

Maraming inilantad si Genelyn sa one-on-one interview na ito kaugnay ng trahedyang hinaharap ng pamilya nila.

Kabilang na nga rito ang paniniwala niyang hindi magagawa ng mga anak niyang sina Ramona at Ramon Joseph na ipapatay ang sarili nilang kapatid.

Napag-usapan din ang kontrobersiyal na sustentong ibinibigay sa kanila ni dating Sen. Ramon Revilla Sr.

At siyempre kasama rin ang tumitindi pang alitan sa pagitan nila ni Sen. Bong Revilla Jr.

Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilathala ang interview kung paano ito napanood sa telebisyon upang mas maunawaan ng mga mambabasa.


 
WORST EVENT IN HER LIFE. Narito ang kabuuan ng naging pag-uusap nina Jessica at Genelyn:

Jessica: Unimaginable, napakahirap isipin kung ano ang pinagdadaanan mo. Namatayan ka ng anak.

Tapos isinangkot din yung dalawa mo pang anak. Paano mo nakakayanan ito?

Genelyn: Unang-una po, siguro tinutulungan po ako ng Panginoon na kayanin po ang pinagdadaanan ko po sa ngayon dahil nag-iisa po ako na ipinaglalaban ang aking mga anak.

Jessica:  Ano ba ito, parang bangungot ba ito para sa iyo na sana magising ka na lang [at] tapos na?

Paano mo maiku-compare ito sa lahat ng mga pinagdaanan mo sa iyong buhay?

Genelyn:  Ito po yung pinaka-worst na pinagdaanan ko po sa buhay ko.

Dahil wala po akong ibang pwedeng mahalin kundi po ang mga sarili kong mga anak.


 
RAMONA'S WHEREABOUTS. Sumunod na pinag-usapan nila ang kinaroroonan ni Ramona ngayon.

Gabi ng November 4 nang umalis sa bansa si Ramona at lumipad patungong Hong Kong.

Pinaniniwalaan namang ito ay nasa Turkey na ngayon kung saan nakatira ang kanyang asawa.