news

Genelyn Magsaysay on dwindling allowance issue: "Pabawas ho nang pabawas ang sustentong ibinibigay ho sa amin..."

by Glen P. Sibonga posted on November 12, 2011  STATS: 342245 Views | 329 Comments

In the program, State of the Nation with Jessica Soho, aired November 11 on GMA News TV Channel 11, Jessica Soho asked Genelyn Magsaysay if anyone in her family knew about the plan to kill her son, Ramgen Revilla.

"Wala pong kaalam-alam ang kahit sinuman sa amin sa pagkamatay ni Ramgen. Hindi po kayang gawin ng aking pamilya na pumatay ng kanilang sariling kapatid. At ako bilang ina, hindi ko kayang gawin kay Ramgen yun. Ako ang nag-alaga sa anak ko," Genelyn says.

 

 

Photo By: Danny Pata


Live na humarap si Genelyn Magsaysay, ina ng napaslang na si Ramgen Revilla, kay GMA News anchor at executive na si Jessica Soho para sa programang State of the Nation with Jessica Soho na napanood kagabi, November 11, sa GMA News TV Channel 11.

Maraming inilantad si Genelyn sa one-on-one interview na ito kaugnay ng trahedyang hinaharap ng pamilya nila.

Kabilang na nga rito ang paniniwala niyang hindi magagawa ng mga anak niyang sina Ramona at Ramon Joseph na ipapatay ang sarili nilang kapatid.

Napag-usapan din ang kontrobersiyal na sustentong ibinibigay sa kanila ni dating Sen. Ramon Revilla Sr.

At siyempre kasama rin ang tumitindi pang alitan sa pagitan nila ni Sen. Bong Revilla Jr.

Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilathala ang interview kung paano ito napanood sa telebisyon upang mas maunawaan ng mga mambabasa.


 
WORST EVENT IN HER LIFE. Narito ang kabuuan ng naging pag-uusap nina Jessica at Genelyn:

Jessica: Unimaginable, napakahirap isipin kung ano ang pinagdadaanan mo. Namatayan ka ng anak.

Tapos isinangkot din yung dalawa mo pang anak. Paano mo nakakayanan ito?

Genelyn: Unang-una po, siguro tinutulungan po ako ng Panginoon na kayanin po ang pinagdadaanan ko po sa ngayon dahil nag-iisa po ako na ipinaglalaban ang aking mga anak.

Jessica:  Ano ba ito, parang bangungot ba ito para sa iyo na sana magising ka na lang [at] tapos na?

Paano mo maiku-compare ito sa lahat ng mga pinagdaanan mo sa iyong buhay?

Genelyn:  Ito po yung pinaka-worst na pinagdaanan ko po sa buhay ko.

Dahil wala po akong ibang pwedeng mahalin kundi po ang mga sarili kong mga anak.


 
RAMONA'S WHEREABOUTS. Sumunod na pinag-usapan nila ang kinaroroonan ni Ramona ngayon.

Gabi ng November 4 nang umalis sa bansa si Ramona at lumipad patungong Hong Kong.

Pinaniniwalaan namang ito ay nasa Turkey na ngayon kung saan nakatira ang kanyang asawa.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

329 Comments

  • 169  kainistalaga

    11/12/2011 | 08:11 PM
    spoiled kay senior kaya ang laki ng galit ngayong hindi na niya masunod layaw niya. sayang, sana nong hindi pa na-stroke si senior hiningi mo na parte mo para sitting-pretty ka na lang. ano pa magagawa mo ngayon, taga-thumb-mark na lang ng tseke ang kayang gawin ni senior. at like mother-like daughter ka pala. sabagay, mamumunga ba ng santol ang bayabas. sana di mo na inulit pa ang kapalaran ng mother mo. maka-diyos ka pa man din, pero okay lang pala ang kabatsingtsing.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 168  D_katie

    11/12/2011 | 08:04 PM
    Malaki na talaga ang physiological problems nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 167  susanboyle

    11/12/2011 | 07:47 PM
    malaki din naman ang 150thou di ba? mabuti nga siya binigyan ng sustento. pano kung wala nang pera si ramon sr? eh di sorry sila? my sakit na ang matanda, pano kung maubos na ang pera sa hospital, gamot and etc.... wala bang pride ang piglet na ito? mag trabaho kaya siya para ipakita sa mga kamag anak ni ramon sr na di pera ang habol niya. at para sana ipakita na kaya niyang buhayin ang mga anak kahit wala siya.pano kung mamatay na si ramon sr at ubos na pala ang pera nya sa pagpagamot? saan sila pupulutin? alangan naman si bong revilla or mga kapatid ni bong ang susustento sa kanila? mag isip ka genelyn..kahit ano pa ang sabihin mo, ikaw pa rin ang talo. prove your 2 kids are innocent. kung totoo nga na innocent sila, hindi ka matatakot..if youre not going to cooperate, something fishy talaga..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 166  gucciprada

    11/12/2011 | 07:40 PM
    etong si tabachingching,nakapagaral naman, pero bakit ganun sa lahat ng sentence nya may bahid ng kabo--han... walang sense magsalita.at ang mga katwiran, katwiran ng di nagiisip!!! siguro nung nanganak ng 9 na bata, kasamang niiiri pati utak!!!lol...hingdi na raw nya kailangan tanungin si ramona kung guilty? tama daw na umalis si ramona kasi may taman proseso naman daw? ga--, kung di sya umalis, nakipagtulungan sa imbestigayon, part yun ng tamang proseso!!! kung papansisini ko lahat ng sentence mo, lahat may maikocomment ako against it...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 165  xenaako

    11/12/2011 | 07:18 PM
    naku po! sa dami na pdedi nyang e-rason dahil sa utang sa CC yun pang bday hahha. 2.3M yan ate.. kaloka ka
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 164  shidax

    11/12/2011 | 07:05 PM
    2 weeks palang na patay si ramgen tanggap na daw nya????paano mo matatanggap e hindi pa nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni ramgen?ang bilis mo naman tumanggap genelyn?ako nga hindi ko kadugo anak mo nahihirapan dahil hindi pa nabigyan ng hustisya si ramgen!!!!!kumukulo ang dugo ko hanggang ngayon I CAN'T stop commenting hanggang hindi pa nalaman kung sino talaga ang pumatay sa kanya at bakit siya pinatay????????????????????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 163  birtwal

    11/12/2011 | 06:57 PM
    ang kapal naman talaga ng taba este ng mukha nitong genelyn na ito. halatang halatang ang pagka mukhang pera. yang katabaan niyang yang hindi mukhang kulang sa allowance, kahit yung mga mga anak niya itsurang sanay sa luho. mangilabot nga siya sa sinasabi niya baluktot ang katwiran masahol pa kay marlene aguilar. nakakabwiset!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 162  susanboyle

    11/12/2011 | 06:41 PM
    anong klaseng interview ba ito....parang paligoy ligoy..akala ko magaling na interviewer si jessica. parang hindi nya kayang pag salitain si genelyn. sana si boy abunda nalang nag interview kase matapang si boy at straight to the point mag tanong.. hindi nman kase straight answers ang sinasabi ni genelyn. sana isang tanong, isang sagot...grrrr whatever
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 161  popstar

    11/12/2011 | 06:36 PM
    I think the same jamer88 on comment 160. I think Ramon Sr.'s legit family saw that Ramgen was responsible and sensible that he became endeared to them. He was working and trying to make something of his life and be independent. Admirable. What a loss.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 160  jamer88

    11/12/2011 | 06:25 PM
    palagay ko nga malaki ang inggit nila kay ramgen kasi sa isang interview ni bong ang sabi nya mahal nila si ramgen at sya ang favourite ng tatay nila kahapon s interview ni genelyn sabi nya maging kapatid din daw si bong kila mara at rj hindi lang daw kay ramgen tapos kay ramgen pa ipinagkatiwala ang budget at sya din ang nagsumbong ng utang ng nanay nya kaya siguro ganon n lang ang galit nila kay ramgen at hindi manlang sya nagtanong anong nangyari at pinayagan p nyang umalis si ramona dapat nga sila ung makikipagtulungan s investigation para mahuli ang tunay n killer ,, opinion ko lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 159  manjo

    11/12/2011 | 06:17 PM
    and the fat lady sings - tra la la la la!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 158  commentirador01

    11/12/2011 | 06:06 PM
    bopols alangan naman na dumpende kayo sa maga naak ni ramon sr. e siya ang asawa niyo at kasalukyang may sakit. ano ka tumama ng sweepstakes? intindhn mo ano nagyari sa anak mo hndi yang sustento ang nililinaw mo d ka na nahiya sa harap ng bangkay ni ramgen
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 157  tumssmoothies

    11/12/2011 | 05:37 PM
    at sana inintindi mo si revilla sr na kung binaba man nya ang sustento nyo mula ng ma stroke sya ay dahil hindi na din naman sya nakakatrabaho. alangan naman si bong revilla ang bumuhay sa iyo at 9 mong anak na malalaki na naman! ...buhay donya ka kasi. malaamng talaga may kinalaman kayo sa pagkamatay ni ramgen, dahil sabi mo bago namatay si ramgen bigalng binaba ang sustento nyo na 150k, malamang ikinagalit nyo un! .. utak pera kayo masyado. at hindi ko maintindhan baket ayaw mo tanungin ang mga anak mo kung may kinalaman sila, labo nyo! pati pag uwi ni ramona hindi mo magawa para matulungan ang hustisya at ung 18 yrs old mong anak mapakawalan kung talagang wala syang kasalanan. kainis pamilya!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 156  tumssmoothies

    11/12/2011 | 05:32 PM
    ang sustento genelyn hindi ibig sabihin ay lahat ng gastos nyo aakuin na . kailangan maeron din mangaling sa iyo!!! .. puro ka sustento hindi ka magtrabaho para naman may sarili kang pera. at yung credit card mo kapal din ng mukha mo para sa bihin na kaya ka may credit card kasi wwala ka choice dahil kailangan mo mamuhay. magtrabaho ka kaya at magbayad ng credit card. pati ba naman yan iaasa mo pa sa sustento. at malalki na ang anak mo may pamilya yung ba at nagtatrabaho, wag mo sabihin palagi na kailangan sustentuhan ung 9 mong anak. swerto mo pa nga eh hindi nagkulang si revilla sr.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 155  Marcojeff

    11/12/2011 | 05:06 PM
    kung gusto mo ma-solve ang kaso, gagawin lahat di ba? At isa dun ay ang pagpapa uwi kay Ramona..Kaloka!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 154  popstar

    11/12/2011 | 05:05 PM
    She never asked her children if they have anything to do with the murder because...she does not want to hear the answer?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 153  tili_2death

    11/12/2011 | 04:56 PM
    Dapat sumale siya sa Pamilyang Pinoy Henyo malay mo manalo sila ng P300,000. Dahan dahan lang sa gastos ha?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 152  SimonLaplace

    11/12/2011 | 04:38 PM
    Ibahin mo sina Bong dahil masisipag na tao at naghahanap ng negosyo. Nagta trabaho. Ikaw? Naghihintay lng nga grasya. Kapal mo Day. Nadidiri ako sayo!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 151  SimonLaplace

    11/12/2011 | 04:37 PM
    Ang kapal ng biyatch na ito. Mukhang pera...Mahiya ka Day. Ibenta mo kaya ang taba mo. Obvious naman nagpaanak ka ng 9 sa Don Revilla para meron ka free meal a day. Parang ikaw pa yata mastermind ng pagkamatay ng eldest mo. Nasilaw ka ng kahayukan mo sa pera. Wag mo ng gamitin ang Pangalan ng Diyos dahil ang Diyos mo ay pera. Eto ang napapala ng babaeng tamad at mukhang pera!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 150  ginagirl

    11/12/2011 | 04:29 PM
    isa lang ang punto at gusto ni GENELYN...maliwanag pa sa sikat ng araw...PERA, PERA, PERA, PERA LNG YAN!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About