May usap-usapan na may namamagitan kay Charee Pineda at ng isang supporting actor sa serye na si Matt Evans.

"Wala, hindi. Bakit? Hindi po kami," ang pagtanggi ni Charee na mukhang gulat na gulat nang naitanong ito sa kanya. "Hindi kami, wala po talaga. Friends kami ni Matt."

 

Natutuwa at masaya si Charee Pineda nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa presscon ng pinakabagong serye sa ABS-CBN, ang Angelito: Batang Ama.

Ang serye ay pinagbididahan ni JM de Guzman.


Ayon kay Charee, naghintay siya ng limang taon bago natupad ang matagal na niyang ipinagdarasal, ang mabigyan ng malaki at magandang role.


"Nagbunga rin po ang pagdarasal ko. Pero nag-audition pa rin ako para sa role ko bilang si Alyna na mabubuntis nga po ni JM sa serye," kwento ni Charee.


"Hindi po ako nagdalawang-isip, pero nag-audition pa rin ako para sa role.

"Kaya noong sinabi sa akin na ako ang nakuha, sobrang happy ako.

"Sobrang excited and pressured din kasi nga matagal kong hinintay ito.

"Tapos ang ganda pa noong role na ipinagkatiwala sa akin. Sobrang happy din ako at effective yung pagdarasal ko."

ON CHRIS EVANS. Kapareha ni Charee sa Batang Ama si JM, subalit may nakapagbulong sa PEP na may namamagitan sa kanila ng isa sa mga supporting actor sa serye na si Matt Evans.

Dating nagbibida si Matt sa mga serye ng Kapamilya network pero nag-support ito dahil daw kay Charee.

May namamagitan ba sa dalawa?

"Wala, hindi. Bakit? Hindi po kami," ang pagtanggi ni Charee na mukhang gulat na gulat nang naitanong ito sa kanya.

"Hindi kami, wala po talaga. Friends kami ni Matt.

"Lumalabas kami with the group halos magkakasama kami nina Helga, Jessie [Mendiola], Melissa [Ricks], at Matt. Kaya siguro nabibigyan ng ganoong balita kasi lumalabas nga kami.

"Hindi kami made-develop kasi po ang turingan talaga namin [sa isa't-isa ay] magkakapatid.

"Magkakapatid kami kasi kapag may problema ako o sinuman sa grupo, siya ang nag-aadvice since siya ang pinakamatanda sa grupo, kumbaga siya yung tagapayo."

Paano kung manligaw sa kanya si Matt, may pag-asa kaya?

"Hindi siya nanliligaw. Pero kung manligaw siya, hindi ko po alam.