"It's just the love and support, and all the amazing things... Alam ko na why I married her," WBC and WBO Bantamweight Champion Nonito Donaire, Jr. says about his wife Rachel Marcial whom he married again after three years. The couple first wed on August 8, 2008.

Photo: Noel B. Orsal

"Minsan-minsan ko lang nakikita iyon, at kung 11-11, sa isip ko, magiging number one ako. 

"And for me, number one ang wife ko.

"Basta, 11-11 is lucky for both of us."

WHERE ARE HIS PARENTS? Nabanggit na rin lang ng boxer na grabe ang kasiyahan niya dahil sa pagkakadalo ng kanyang mga kaibigan at pamilya sa napakaimportanteng pangyayaring ito sa buhay nila ni Rachel, napansin naman ng PEP na wala sa kasalan at maging sa reception ang mga magulang ni Nonito.

Paliwanag niya, "My parents, well, they declined the offer...not declined, but more like, my sister called me and sabi nila, mahihiya daw sila because of the recent ano with the family, yung family feud."

Matatandaang nagkaroon ng alitan sina Nonito at Rachel sa mga magulang ng boxer na sina Imelda at Nonito Donaire Sr. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi ba't nagkabati na sila nito?

"Well, we're okay. But it took a long time of fighting and, of course, it will take some time to fully develop that bond again.

"So, it's just time. But, nag-uusap kami. We talk naman when we need to.

"And we were there," sabi pa ng boxer na may palayaw ring "The Filipino Flash."

PRE-WEDDING FIGHT. Nitong nakaraang buwan ay idinepensa ni Nonito ang kanyang WBC/WBO Bantamweight Championship title laban sa Argentinian veteran boxer na si Omar Andres "El Huricano" Narvaez sa Madison Square Garden, New York, U.S.A.

Nagmistulang one-sided ang laban dahil panay lamang ang depensa ni El Huricano kay Filipino Flash.

Pero gayunpaman, nakakagulat at nakakapagtakang tinanggap pa rin ni Nonito ang laban na ito kahit ilang linggo na lang mula sa kanyang kasal.

Hindi ba siya nag-alala noon na baka lumakad siya sa kanyang kasal na basag ang mukha mula sa laban?

Sabi niya, "Hindi naman. Ako, mautak naman ako, when it comes to fighting.