Ang mentor ni Krizza Neri sa Protégé  ay si Aiza Seguerra. Kamusta naman ito?

"Napakabait, napaka-supportive at para ko na siyang pangalawang magulang. 'Naytay,' yun po ang tawag ko sa kanya," 16-year-old Krizza says.

 

Hindi ikinakaila ni Krizza Neri na bago siya mapili ng kanyang mentor na si Aiza Seguerra na maging protégé nito from Cagayan de Oro, isang masigasig na tagahanga si Krizza ng mga Kapuso artists na sina Jennica Garcia at Kris Bernal.

Miyembro raw siya ng online fans ng mga ito.

Ayon kay Krizza, "Bago po ako sumali sa Protégé, fan po talaga ako.  Sumali po ako sa fans club ng dalawa. 

"Super active po ako. Lalo na po noong 2007 tapos, nag-end po ako noong 1st year high school po ako."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krizza kung bakit ngayon lang niya naisipang mag-join ng singing contest at mas inuna pa niya ang sumali sa fans club.

Natatawang sabi naman niya, "Actually, parang may nag-push lang sa akin. 

"Hindi nga po sana ako mag-o-audition dito, noong second screening, doon na lang ako na 'Sige, try ko na lang din po.'"

Sixteen years old pa lang si Krizza.  Nag-aaral siya sa Ateneo de Cagayan.

Nasa 1st year college ng AB International Studies pero tumigil muna raw siya ngayon. 

Mga 11 years old daw siya nang magsimulang mag-join ng fans club. 

Kuwento pa niya, "At first kasi, active muna ako sa pagiging Krispers then, nag-start din ako mag-Jennica, parang sabay po."

SUPPORTIVE TWEETS. Masaya naman si Krizza na ngayon, ang mga idols naman niya ang sumusuporta sa kanya. Parehong nagtu-tweet ang mga ito sa mga followers nila na iboto siya.

"Sabi nga po ng mentor ko, nagtu-tweet sila kaya nakakatuwa po.  Masaya po.  Parang na-overwhelm po ako noong sinabi nila."

Kumusta namang mentor si Aiza?

Nakangiting sabi niya, "Napakabait, napaka-supportive at para ko na siyang pangalawang magulang.