Randy Santiago dismisses rumors that Happy Yipee Yehey! will soon get the axe: "Stable kami. At hindi naman gagawin ng Channel 2 na... ay, huwag na ito, iba naman!"

Ruben Marasigan
Saturday, November 12, 2011 @ 07:43PM  |  58832 views

Ano ang naging pakiramdam ni Randy Santiago nang unang pumutok ang matitinding isyu tungkol sa bata niyang kapatid na si Raymart Santiago at ang asawa nitong si Claudine Barretto?

"Mahirap magsalita!" Randy says. "E... respeto rin sa kapatid ko siyempre. And kung anuman 'yong pinagdadanan niya siyempre, e... ang importante 'yong paniniwala ng tao.  Dahil Santiago 'yan, e.  Di  ba? Marami kasi ang lumalabas na... di  ba?  Kung kanino na lang kayo maniniwala."

 

Photo By: Rowie Gutierrez














 
Last Thursday (November 10), may mga nakakita kay Raymart Santiago na nagpunta sa ABS-CBN. Nagkaroon ng haka-haka na may plano itong umalis sa GMA-7 at lumipat sa Kapamilya network.

Tungkol nga dito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam kay Randy Santiago, ang nakatatandang kapatid ni Raymart.

"Hindi," natawang sagot agad ni Randy kahapon, November 11, matapos ang airing ng Happy Yipee Yehey.

"May ka-meeting lang siya tungkol sa heli-vision, 'yong pinapa-rent niyang pang-helicopter na camera. 

"'Yong ginamit sa Pinoy Biggest Loser. Iyon yun kaya siya nasa ABS."

Mailap sa pagpapa-interview si Raymart at kahit ang asawa niyang si Claudine Barretto tungkol sa isyung pagkawala ng 5 million pesos sa joint account ng mag-asawa at pati na rin sa tsismis na hiwalay na sila.

Kung meron mang mga paglilinaw kaugnay nito, mga official statements lang.  Wala 'yong tell-all o full-blown interview para maliwanagan ang mga isyu.

Si Randy bilang kapatid nga ni Raymart, hindi maiwasang matanong din tungkol dito.  Pero hangga't maaari raw, ayaw niyang magsalita patungkol sa usaping ito.

Aminado siya na sinabi ni Raymart sa kanya tungkol sa kasalukuyang pinagdadananan nito at ni Claudine.

"Siyempre.  Siyempre naman.

"Pero hindi ko kasi pinakikialaman, e.

"Ako 'yong kuyang ayoko ring pakialaman siyempre."

Pero ano ang naging pakiramdam niya nang unang pumutok ang matitinding isyu tungkol kina Raymart at Claudine?

"Mahirap magsalita!" napahalakhak si Randy.

"E... respeto rin sa kapatid ko siyempre.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

80 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name