Young actor Gerald Anderson says he learns from every role he portrays on TV and in movies.

 

"Kumbaga, iba-iba ang sitwasyon, but at the end of the day, ang importante, kung ano ang right choices na ginawa mo. Kung ang desisyon na ginawa mo ay tama para sa inyong dalawa, para sa 'yo, para sa kanya," he says.

Photo: Noel Orsal

Ang dating hindi mapaghiwalay na loveteam na sina Gerald Anderson at Kim Chiu ay masasabing nakakabuo na ng kani-kanilang solo career. 

Pareho silang may primetime series na ipinapalabas ngayon sa ABS-CBN— si Gerald ang title character sa Budoy at si Kim naman ang bida sa My Binondo Girl.

Sa part ni Gerald, marami ang humahanga sa pagganap niya bilang si Budoy.

Malapit na ring ipalabas sa mga sinehan ang second movie nila ni Sarah Geronimo, ang Won't Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Sa interview ng The Buzz kay Gerald kahapon, November 13, naikuwento ng young actor na ang mga role na ginagampanan niya sa TV at pelikula ay nakakatulong sa kanya.

Sa unang pelikulang pinagsamahan nila ni Sarah, ang Catch Me I'm In Love, marami raw siyang natutunan sa character na ginampanan niya rito bilang si Erick, ang spoiled son ng presidente.

Doon daw niya natutunan ang tamang pagdedesisyon para sa ikagaganda ng isang relasyon.

Ayon kay Gerald, "Kumbaga, iba-iba ang sitwasyon, but at the end of the day, ang importante, kung ano ang right choices na ginawa mo.

"Kung ang desisyon na ginawa mo ay tama para sa inyong dalawa, para sa 'yo, para sa kanya."

Pagdating naman sa Budoy—kung saan gumaganap siya bilang isang special child—ang dedikasyon daw sa ginagawa niya ang naging daan para mapagtagumpayan niya ang mga pagsubok na pinagdadaanan.

Saad pa ni Gerald, "Of course, with my friends and family.

"Nandiyan naman sila lagi para sa akin, nagbibigay ng inspiration, ng lakas.

"Pero yung pinaka-support system is myself kasi.

"Kumbaga, kahit anong tulong or explanation ang gagawin sa 'yo, kung hindi ka rin sure sa ginagawa mo, wala rin mangyayari sa 'yo."