Manny Pacquiao on beeing booed after announcement of his win: "Alam mo, maraming mga Mexicano, maraming mga Pilipino. Ang daming mga Mexicano. Siyempre yung mga Pilipino, natuwa. At yung mga Mexicano, siyempre masama ang loob nila dahil natalo sila. So, kasama sa laro iyan."

Photo: Noel Orsal

Live na nakausap ng mga host ng Showbiz Central kahapon, November 13, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ilang oras lamang matapos ang laban nito kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada.

Nagwagi si Manny sa ikatlong paghaharap nila ni Marquez sa pamamagitan ng "majority decision." (CLICK HERE to read related story.)

Una muna ay kinumusta ni Pia Guanio si Manny pagkatapos ng laban.

Sagot ni Manny, "Okay naman, ayos naman, maganda ang pagkakatahi at tsaka iyon lang naman ang ano natin [injury]..."

Nagtamo ng sugat si Manny sa itaas na bahagi ng kanyang kanang kilay.

CONTROVERSIAL WIN. Tanong naman ni Raymond Gutierrez: "Marami ang nagsasabing this is your most controversial fight.

"Ikaw, how do you feel about itong kakatapos mo lang na laban against Marquez?"

Sabi ng Pambansang Kamao, "Okay naman, maganda naman ang pakiramdam natin, at pasalamat tayo sa Panginoon na nanalo tayo sa fight.

"At siyempre, yung expectation ng mga tao ay hindi naman palaging one-sided yung panalo natin, at dumarating talaga yung panahon na manalo tayo by decision."

Malimit kasi sa mga panalo ni Manny, malinaw na dominante siyang boxer, kaya parang one-sided ang laban at walang kuwestiyon sa resulta. Ngayon ay nakuha sa majority decision ng tatlong judges ang pagkapanalo niya.

Pagkatapos ng 12 rounds, ano talaga ang naramdaman ni Manny? Sa puso at pakiramdam ba niya ay siya talaga ang karapat-dapat na manalo?

Sabi ni Manny, "Alam ko talaga na panalo ako, pero hindi talaga yung unanimous decision.

"Alam ko na very close fight, but I believe I won the fight."

Masasabi ba niyang nahirapan siya this time kay Marquez?