Angel Locsin on status of relationship with Phil Younghusband: "Kami ay dalawang taong in love. Yun kami ngayon."

Rose Garcia
Monday, November 14, 2011 @ 03:26PM  |  24003 views

 

Angel Locsin on relationship with Phil Younghusband: "Definitely, ibang level na siya compared do'n sa dating dating, getting-to-know... Iba na ngayon. Makikita na may picture ako sa kanya. Kasama siya sa picture ko."

Photo By: Sany Chua













Kahit na madalas na nakikitang magkasama at sweet sa isa't isa sina Angel Locsin at Phil Younghusband, hindi pa rin masagot ng aktres ang tanong kung may relasyon na nga ba sila ng football player.

Sa panayam ng The Buzz kay Angel na ipinalabas kahapon, November 13, bagamat hindi nito mabigyan ng label kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa, hindi naman niya itinanggi na sila ay parehong in love.

Saad ni Angel, "Relasyon? Hindi ko alam.

"Pero kami ay dalawang taong in love. Yun kami ngayon.

"Pero relasyon...yun, dalawang in love na tao."

Pero sila na ba ni Phil? Mag-boyfriend-girlfriend na ba sila?

"Kapag tinanong ako ni Phil, sasagutin ko kayo.

"Pero sa akin kasi, title lang naman yun. 

"Ang importante, yung happiness na nararamdaman ko kapag kasama ko siya, e, hindi mapapantayan ng kahit na anong title."

Dagdag pa ni Angel, "Basta, si Phil, sobrang bait talaga.

"Sobra. Wala akong masabi.

"And, yun nga, yung masaya ka lang. Basta...iba, iba."

Wala rin siyang masabing exact date o kung ilang months na ang pagiging in love o masaya nila sa piling ng isa't isa.

"Wala kami yung, 'O, 'eto tayo, ganito-ganyan.'

"Siguro yung habang nagdaan ang panahon, masarap. 

1  2  Next »

Related Articles

99 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name